^

PSN Showbiz

Angelica at Derek hindi tinatantanan ng mga kaaway

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi mo na kailangan pang paimbestigahan kung sino man ang pasimuno ng pagpapalabas ng mga intriga at hindi totoong isyu kina Angelica Panganiban at sa boyfriend niyang si Derek Ramsay. Obvious na may galit sa kanila ang pinanggagalingan at dahil dito, gusto nilang makaganti.

Bakit ba hindi natin matutunan ang magpatawad? Napakasaya siguro ng mundo kung ang lahat ay nagmamahalan. Sa tindi ng mga dumarating na sakuna at trahedya sa ating mundo, baka pinararamdaman na tayo ng Pa­nginoon.

Kailangan na nating magbago. Paano tayo makakaharap sa Kanya kung meron tayong kinikimkim na pait sa ating puso.

* * *

With Jericho Rosales setting a trend by singing the theme song of his own series which is also his own composition na umaani ng papuri dahil sa kagandahan ng kanta at ganda rin ng rendition ni Echo, Cesar Montano naman will try to follow by composing the theme song for his new series, Andres de Saya sa GMA 7.

Sana siya na rin ang kumanta dahil magaling siyang musician and singer at magandang promo ito for the series.

* * *

Malaking kabawasan sa viewers ng American Idol ang pagkakatanggal ni Thia Megia.

Siyempre mawawalan ng interes ang marami na subaybayan ito lalo na dito sa ating bansa dahil wala na ngang Pinoy na kasali.

Ganun naman tayo, hindi ba, we love our own. Sa pagkakatanggal ni Thia, eh ano bang paki natin ngayon kung sino sa kanila ang mananalo.

Ang batch pa naman ngayon, mas magagaling kumanta pero pagdating sa looks, hindi sila artistahin. Sa lahat pa naman ng Pinoy na sumali sa AI, pinaka-maganda na si Thia.

vuukle comment

AMERICAN IDOL

ANDRES

ANGELICA PANGANIBAN

BAKIT

CESAR MONTANO

DEREK RAMSAY

JERICHO ROSALES

PINOY

THIA

THIA MEGIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with