^

PSN Showbiz

Gimik ng singer-actor na masama ang ugali hindi na pinapatulan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Pumayat si Senator Bong Revilla, Jr. dahil pinaghandaan niya ang shooting ng Panday 2, ang official entry ng Imus Productions at GMA Films sa 2011 Metro Manila Film Festival.

Matitindi ang mga action scene ni Bong sa Panday 2 kaya nagpapayat siya para hindi mahirapan sa mga stunt na gagawin niya sa pelikula.

Si Phillip Salvador uli ang kontrabida sa Panday movie ni Bong. Mismong si Bong ang pumili kay Ipe para gumanap na Lizardo.

* * *

Hindi naniwala si Joey de Leon sa sinabi ko na kambal ang magkapatid na sina MM at MJ Magno, ang mga member ng XLR8 na mapapanood bilang mga co-host nina Ali Sotto at Papa Jack sa Star Box.

Hindi ko binawi kay Papa Joey ang dialogue ko dahil sina MM at MJ ang nagkuwento sa akin na kambal sila sa presscon noon ng P-Pop Explosion, ang successful concert ng XLR8, RPM at Pop Girls sa Aliw Theater noong Biyernes ng gabi.

* * *

Hindi ko type ang isang singer-actor na mahilig magtaray at makisawsaw sa mga isyu na wala siyang kinalaman.

Matagal ko nang kilala ang singer-actor kaya subok ko na ang kanyang pagiging mahadero.

Hindi rin siya marunong makisama dahil ang sarili lamang ang kanyang iniisip. Mahilig din siyang magpakontrobersiyal at dahil masama ang kanyang ugali, hindi nagtatagumpay ang mga drama niya para mapag-usapan. Dedma sa kanya ang mga tao na buking ang kara niya!

* * *

Hanggang VTR lang ang mga interbyu kay Edu Manzano dahil hindi nagkaroon ng presscon ang Family Feud.

Si Edu na ang bagong host ng Family Feud at gaya ng Star Box, bukas mag-uumpisa ang game show ni Edu na huling napanood noon sa game show din na  Asar Talo.

ALI SOTTO

ALIW THEATER

ASAR TALO

BONG REVILLA

EDU MANZANO

FAMILY FEUD

PANDAY

STAR BOX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with