^

PSN Showbiz

KC parating naghahanap ng dagat, gustong makipag-jamming

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Magbi-birthday na si KC Concepcion sa April 7 pero hanggang ngayon ay wala pa raw siyang plano kung paano ito ipagdiriwang. Hindi pa rin nila ito napag-uusapan ng boyfriend niyang si Piolo Pascual. “Nandito (Pilipinas) ako for my birthday. Wala pa akong plano. For now, nandito pa ako sa shooting mode, napakalaking bagay ng pelikula. Usually, nasa beach ako, naghahanap talaga ako ng dagat, makasama ko ‘yung mga kaibigan ko, maka-jamming,” pahayag ni KC.

Kababalik pa lamang nina KC at Sam Milby noong Miyerkules sa Maynila mula sa shooting ng kanilang pelikula sa Mindanao.

Matapos multuhin, Jm De Guzman dadalaw sa puntod ni Rico Yan?

Isang misa ang pinangunahan ni Fr. Tito Caluag sa ABS-CBN chapel noong March 29 para gunitain ang kamatayan ni Rico Yan. Ninth death anniversary na ng aktor ngayong taon.

Isa si Rico sa pinakasikat na matinee idol noon. Siya rin ang gumanap dati bilang si Gabriel sa hit ser-yeng Mula Sa Puso na may remake na ngayon.

Sa pagbabalik sa ere ng nasabing serye ay si JM De Guzman na ang nakakuha sa dating role na ginampanan ni Rico. Ngayon ay parang minumulto raw ng kaluluwa ng namayapang aktor si JM dahil sa ilang nakapangingilabot na nangyayari sa kanya.

“Nag-start ‘yun noong nagte-take kami, medyo nagkaroon ng problema ‘yung audio, nagkapalit-palit ng lapel. Noong um-okay na, naglalakad ako, may hinangin na kawayan, gumanon (muntik nang tumama) sa harap ko. ‘Di naman intentional na gaganun sa akin. Hindi tumama sa akin pero sobrang ganito (two inches) na lang tapos sabi ko, wow! ’Tapos nang nagdasal ako nawala. ‘Yung gabi na iyon, doon ako medyo hindi nakatulog, kakaisip. Nag-research ako sa mga ginawa niya kahit outside showbiz, talagang nakakahanga siya bilang tao. Noong time na iyon, ‘di na ako natakot, mabuting tao si sir Rico, wala siyang masamang intension, kung magpaparamdam man siya, maganda ‘yung intension niya,” seryosong pahayag ni JM.

Naniniwala naman si JM na kung totoo mang nagpaparamdam sa kanya ang kaluluwa ni Rico ay gusto lamang siyang suportahan ng yumaong matinee idol. “Respeto na lang kay Sir Rico, alam ko na nandito siya para sumuporta. Malaking bagay din sa kanya ito kasi dito rin siya nagsimula sa Mula Sa Puso. Lahat kami rito kahit sa staff hanggang sa director, buong puso naming pinapaganda kung paano namin i-deliver ‘yung istorya. Nandito lang siya (Rico) para suportahan kami,” kuwento pa ng baguhang aktor.

Kasama rin ni JM sa serye ang nakatatandang kapatid ni Rico na si Bobby Yan.

May balak din si JM na bumisita sa puntod ni Rico sa mga darating na araw. “Iba lang ‘yung feeling na nandito si Kuya Bob, sinasabi niya sa akin na kahit hindi ikaw si Rico, kapag sinasabi mo ‘yung linya niya, naaalala ko pa rin siya. Ang plano ko rin sana, pormal na magpaalam sa kanila, ipinaalam ko na rin kay Kuya Bob na gusto ko ring pumunta sa puntod niya. Respeto lang sa kanya ‘yan,” pagtatapos ni JM.   Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

BOBBY YAN

DE GUZMAN

JM DE GUZMAN

KUYA BOB

LSQUO

MULA SA PUSO

NANDITO

RICO

RICO YAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with