^

PSN Showbiz

Phoemela manggugulat sa gagawing pagpapa-sexy

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - “According to Jojie Dingcong, Derek Ramsay’s manager, IT’S NOT TRUE that Derek & Angelica have broken up. They are very much together & happy,” tweet kahapon ni Ruffa Gutierrez.

Kahapon din kasi ay kumalat sa twitter ang issue na naghiwalay na sina Angelica at Derek kaya mabilis na pinag-usapan ng lahat.

Pero lahat naman ng malapit sa magsyota ay nanindigan na hindi totoo ‘yun.

* * *

Manggugulat daw ang dating Star Patroller na si Phoemela Barranda sa gagawin nitong movie with director Erik Matti.

Yup, malaking break ang ibibigay kay Phoemela ng Reality Entertainment ni Dondon Monteverde sa kanilang gagawing pelikula na nakatakdang mag-shoot sa darating na buwan.

Sobrang excited si Phoemela kung kaya’t nga­yon pa lang, inihahanda na niya ang kanyang sarili, physically at mentally.

Matagal siyang naghintay sa big acting break kaya wala na siyang inhibitions sa puwede niyang gawin.

“It’s about time that I reinvent myself,” sabi ni Phoemela.

“Matagal din akong sa TV lang nakikita ng tao. It will be an honor for me to work with Direk Erik Matti. He is an award-winning director. I am ready for the challenge.”

 Si Direk Erik ay kilala sa kanyang mga film projects tulad ng Pasiyam, Scorpio Nights 2Mano Po 2: My Home, Gagamboy, at Exodus.

“Confident ako na marunong umarte si Phoem,” say ni Direk Erik. “Pero dito sa movie na ito, bagong Phoemela ang makikita ng tao. Magugulat sila talaga sa mga gagawin ni Phoem. Ibang-iba ang role niya.”

 Si Phoemela ay nakilala bilang print and ramp model pagkatapos niyang mag-graduate ng AB Inter-Disciplinary Studies sa College of St. Benilde.

Kasalukuyan siyang presidente ng Professional Models Association of the Philippines (PMAP). Pero hindi na siya beterana sa aktingan.

* * *

Ngayong Lunes, April 4, na pala ang umpisa ng cooking-reality game show ng GMA 7 –  ang Kitchen Superstar hosted by Marvin Agustin.  

 One million-peso cash prize, rewards mula sa challenges, at ang pagkakataong tangha­ling tunay na bida sa kusina ang nakataya sa programa. 

 Isang restaurant owner at chef si Marvin kaya credible na ang mag-host ng Kitchen Superstar na binisita ang pitong key areas sa Pilipinas – NCR, Pangasinan, Pampanga, Davao, Naga, Cebu,  at Iloilo – para sa auditions.

 Ang Top 3 mula sa bawat area ay magsasama-sama sa Manila sa Day 1 ng Showdown. Ang mga cook-contestants na ito ay kailangang makalusot sa iba’t ibang kitchen showdowns para tanghaling grand prize winner.

 Ang mga kitchen showdowns – Mega-Showdown, Prize Showdown,  at Elimination Showdown – ay susubok hindi lamang sa ga­ling sa kusina ng contestants kundi pati na rin sa kanilang physical at emotional strengths. Sa bawat showdown na gaganapin linggu-linggo, mas marami pang mga premyong mapapanalunan ang mga contestants.

Ang mga judges na magmumula sa iba’t  ibang backgrounds – posibleng may-ari ng karinderya o regular na costumer sa turo-turo o professional chef o celebrities – ang pipili ng matatanggal bawat linggo.

Mapapanood ito bago mag-Eat Bulaga, sa GMA 7.                              

ANG TOP

COLLEGE OF ST. BENILDE

DEREK

DEREK RAMSAY

DIREK ERIK

KITCHEN SUPERSTAR

PERO

PHOEMELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with