^

PSN Showbiz

Claudine nagsisisi na lumipat ng GMA 7?

RATED A - Aster Amoyo -

Hindi kaya nagsisi­si si Claudine Barretto sa kan­yang ginawang pag­­lipat ng home studio – from ABS-CBN to GMA7?

Isa si Claudine sa mga homegrown talents ng ABS-CBN noon at nasubaybayan ng publiko ang kanyang pag-grow bilang isang aktres. Halos hindi rin siya nawawalan ng pro­ject nung siya’y Kapamilya pa. Pero nang magdesisyon si Claudine na maging Kapuso, kahit maganda ang naging welcome sa kanya at agad siyang nagkaroon ng weekly drama anthology, hindi gaanong naka-take off ang nasabing programa in terms of rating kaya hindi rin ito tumagal sa ere.

Waiting pa rin hanggang ngayon ang mga tagahanga ni Claudine kung kelan nila muling masisila­yan sa ere ang kanilang hinahangaang aktres. Wala rin itong pinagkakaabalahang pelikula ngayon.

Ang ipinagtataka ng iba, ngayong kapwa Kapuso na ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine, bakit kaya hindi pagsamahin ang dalawa sa isang programa, isang TV series kaya?

Hiwalayan biglang nauso!

Alam mo, Salve A., mukhang nauuso ang break-up sa showbiz lately. Kumpirmado na ang paghihiwalay nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Break na rin ang magkasintahang Michelle Madrigal at ang model-turned actor na si Jon Hall. Dalawang taon ding tumagal ang relasyon nina Michelle at Jon.

Inamin pareho nina Michelle at Jon na mahal pa rin nila ang isa’t isa at never naman silang nakiki­pag-date sa iba.

Kung ganoon, may pag-asa pang magkabalikang muli ang dalawa? Ayaw mag-comment ng dalawa. Sa ngayon, pareho nilang ipinakikita ang kanilang professionalism sa kanilang trabaho sa Captain Barbell.

Sarah nadala si Gerald

Muling pinatunayan ng Pop Princess na si Sarah Geronimo ang kanyang box-office appeal nang ipalabas sa maraming sinehan ang first team-up nila ni Gerald Anderson, ang Catch Me… I’m In Love na patuloy na humahataw sa takilya magmula nung nakaraang Miyerkules.

Kung tanggap ng mga fans ang tambalan nina Sarah at John Lloyd Cruz, ganundin naman ang tambalan nina Sarah at Gerald na mukhang masusundan ng follow-up project.

Kung hindi sana naudlot ang love affair nina Sarah at Rayver Cruz, maganda rin sana itong team-up pero matatagalan pa siguro bago ito mangyari dahil hindi marahil papayag si Sarah. Well, for now.

May dapat ding ipagpasalamat si Gerald dahil tinanggap ang tambalan nila ni Sarah considering na may banta ang mga fans nila ni Kim Chiu na hindi nila susuportahan ang ibang makakatambal ni Gerald other than Kim. On the contrary, tumabo sa takilya ang pelikula nina Sarah at Gerald.

Zia dagdag na Quizon sa showbiz

Ang bunsong anak nina Dolphy at Zsa Zsa Padilla na si Zia Quizon ang pinakabagong mukha ng pamilya Quizon ang pumalaot sa showbiz at ito’y may basbas ng kanyang equally-popular parents.

Si Zia ay ipinakilala sa ASAP Rocks kung saan mainstay din ang mag-inang Zsa Zsa at Karylle. Ate ni Zia ang adopted daughter nina Dolphy at Zsa Zsa na si Nicole at nag-aaral ito ngayon sa Australia.

nanay ni john nahihirapan

Salve A., tiyak na mahirap sa ina nang pi­naslang na aktor na si John Apacible ang kanyang sitwasyon ngayon. Kapatid pa niya mismo ang pumatay kaya hindi magiging madali kay Gng. Aurora Apacible na kasuhan at ipakulong ang kanyang sariling kapatid.

Makulong man at magdusa habang buhay sa kulungan ang tiyuhin ni John, hindi na rin maibabalik ang buhay ng aktor.

Wala pa sa showbiz si John nang ito’y aming makilala sa pamamagitan ng aming couturier-friend na si Gener Gozum ng Taytay, Rizal. Kapag may fashion shows si Mama Gener, isa si John sa kanyang mga modelo.

AURORA APACIBLE

CAPTAIN BARBELL

CLAUDINE

NINA

RIN

SALVE A

SARAH

SHY

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with