Sam Concepcion at Enrique Gil good vibes?
MANILA, Philippines – Sumayaw sa kumpas ng buhay ng pinakabagong youth-oriented barkada na susubaybayan tuwing weekend sa pagsisimula ng Good Vibes ngayong April 03, sa ABS-CBN.
Sundan ang kuwento ng magkapatid sa ama na sina Marc Pedroza (Sam Concepcion) at Troy Cabrera (Enrique Gil) at kung paano sila makikitungo sa isa’t isa matapos magtagpo ang kanilang mga mundo dala ng hindi inaasahang mga pangyayari.
Halos perpekto ang buhay ni Marc — kandidato para maging class valedictorian, presidente ng dance troupe at crush ng bayan sa school.
Biglang magbabago ang lahat nang malaman ni Marc na ang ama niyang si Nestor (Dominic Ochoa) ay may anak sa labas na si Troy na kinakailangan tumira na sa kanila matapos itong maulila sa kanyang ina.
Sinubukang mag-adjust ni Marc sa pagdating ni Troy sa kanilang pamilya. Ngunit nang inakusahan ang kanyang kapatid sa ama ng pagiging dahilan kung bakit na-disqualify ang kanilang dance troupe para sumali sa isang interschool competition, walang ginawa si Marc para ipagtanggol ito.
Magiging hadlang kaya ang kanilang pagkakaiba o makatutulong kaya ito sa kanila para magtagumpay? Kakayanin kaya nilang sumayaw sa isang kumpas para makagawa ng isang astig na dance act?
Kasama rin sa Good Vibes sina Yayo Aguila, Maribeth Bichara, Kristel Moreno, and Arron Villaflor pati na rin ang pinakabagong grupo ng mga pakakaabangang teen stars ngayon, kinabibilangan nina Yen Santos, Coleen Garcia, Devon Seron, Linn Oeymo, James Reid, Ivan Dorschner, Kazel Kinouchi, Heidi Riego, at Chikara Nawa.
Huwag palalampasin ang pagsisimula ng Good Vibes ngayong Linggo, April 03, pagkatapos ng ASAP Rocks.
- Latest