^

PSN Showbiz

Ikakasal na kasi, Kyla parang hindi na nagsusuot ng panty

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Kung magagawa lang lagi ng Party Pilipinas ’yung katulad ng ginawa nila nung Linggo na nagkaroon ng simulcast showing sa Cebu, Davao, Baguio, at Manila ay magiging totoong party show na sila sa buong bansa. Mahal nga lamang ang ganung klase ng palabas pero ’yun naman talaga ang objective ng programa, ang magkaroon ng simultaneous party nationwide.

Malaking promo rin ito para sa show dahil nakukuha nila ang mas malaking bilang ng mga manonood. At dito babawi ang network dahil the more people who will watch the show, mas mara­ming sponsors ang papasok. ’Yun nga lang, kahit gaano karami ang sponsor, magagamit lamang itong gastos para sa simulcast. 

***

Habang nasa ospital ako for my executive check up, ang dami kong napanood na mga foreign reality shows. Tulad ng American Idol at ’yung Don’t Stop Believing. Ang gaganda ng production ng mga nasabing palabas, talagang ginagastusan.

Naalala ko tuloy ang That’s Entertainment, na kapag naglalaban-laban ang limang grupo tuwing Sabado ay isang libong piso lamang ang premyo ng nananalo. Napakaliit na halaga gayung gumagastos sila sa pamasahe, damit, at mga costumes. Pero hindi nila ito alintana dahil talagang gusto ng mga bata ay sumikat bilang artista kaya nagsakripisyo sila.

Doon sa Don’t Stop Believing na parang That’s… ang ideya, ang laki ng premyo, kaya naman marami ang nagta-try siguro hindi lamang para sumikat kundi mahawakan ang ganun kalaking halaga. Pero sa kabila ng kakapusan sa pinansiyal ng That’s… I’m proud to have produced the best sa mga nag-training dito. Ito ang nakalungkot sa akin when the show was cancelled after 10 years. At hanggang ngayon, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na mare-revive ang That’s… Pero kung hindi man mangyari ito, maski sa Walang Tulugan gagawa ako ng parang That’s…

***

Gustong maging June bride ni Kyla pero wala silang makuhang sked sa mga simbahan na pinupuntahan nila. Eh umiinit na ng husto sa kanyang daliri ang engagement ring na ibinigay sa kanya ng boyfriend niya. At saka understandable na magmadali siya dahil nasa late 20s na siya, ayaw naman niyang mawala sa kalendaryo bago siya makasal.

Balak nila ng mapapa­ngasawa niya na mag-honeymoon sa Europe. First time nilang magta-travel na silang dalawa lamang. Sa mga dates nila rito sa Pilipinas, laging may kasamang chaperon si Kyla. Ganun siya ka-old fashioned.

Napansin lang ng maraming kumausap na press kay Kyla na lubhang napaka-sexy na nito. Dati-rati kasi ay napaka-konserbatibo nito ngunit last Sunday, hindi bumakat ang underwear niya sa napaka-tight fitting niyang damit, which led everyone to conclude na bare siya underneath. Ha?!

AMERICAN IDOL

BALAK

CEBU

KYLA

PARTY PILIPINAS

PERO

STOP BELIEVING

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with