^

PSN Showbiz

Relasyong Victor at Liz hindi na itinatago

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ibang klase rin ang fans nina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Nang pumutok ang balita na hiwalay na si Jennylyn kay Dennis Trillo, umapela ang fans nina Mark at Jennylyn na pagsamahin ang dalawa sa isang project dahil miss na miss na nila ang Mark-Jennylyn loveteam.

Hanggang ngayon pala eh umaasa ang fans ng dalawa na sila pa rin ang magkakatuluyan sa bandang huli. Dedma sila kahit masaya na si Mark sa piling ni Ynna Asistio at heart-broken pa rin si Jennylyn.

***

Parang nakapanood uli kahapon ng teleserye ang sambayanang Pilipino dahil sa muling pag-upo ni Mrs. Erlinda Ligot sa witness stand sa pagpa­patuloy ng senate inquiry tungkol sa mga anomalya sa pondo ng AFP.

At least, kahit papaano, sinagot na kahapon ni Mrs. Ligot ang mga tanong ni Senator Jinggoy Estrada. Hindi kagaya dati na panay ang iwas niya with matching pa-cute na mga sagot.

Magsasalita rin pala si Mrs. Ligot, pinatagal pa niya. Kung hindi siya umiwas noon sa pagsagot, hindi sana naranasan ng kanyang mister na makulong sa senado.

***

Nagtataka ang sambayanang Pilipino dahil hindi pinangalanan ni Mrs. Ligot si Dara, ang babae na madalas na kasama niya sa mga biyahe noon sa ibang bansa.

The who si Dara? Ma at pa! Basta ang alam ko, ikinumpara si Dara sa cartoon character na si Dora, The Explorer pero siya si Dara The Jetset Explorer dahil panay ang biyahe niya noon sa ibang bansa.

***

May naka-sight sa Facebook account ni Victor Aliwalas na hindi na raw inililihim ang relasyon nila ni Liz Almoro dahil ang picture nila na magkasama ang nakalagay sa Facebook.

The who si Liz? Siya ang ex-dyowa ni Willie Revillame na rumored girlfriend ngayon ni Victor na contract star ng GMA 7.

Ayaw pag-usapan noon ni Victor ang tungkol sa relasyon nila ni Liz pero nawalan siya ng choice nang ma-corner ng showbiz press na nagsabi na walang dahilan para mag-deny dahil palaging magkasama ang dalawa, binata si Victor at dalaga uli si Liz dahil annulled na ang kasal nila ni Willie.

***

Worried na worried si Tim Yap nang dumating ito sa set ng Tweetbiz noong Lunes dahil sa Jan Jan issue. Ang buong akala ko, si John-John na favorite apo ni Alfie Lorenzo ang John-John na sinasabi ni Tim.

Ibang Jan Jan pala, ang batang nag-macho danc­ing sa Willing Willie habang umiiyak.

Maaga akong umuwi ng bahay noong Lunes kaya naabutan ko ang replay ng pagsali noon ni Jan Jan sa Willing Willie, pati ang interbyu sa kanyang mga magulang.

Naloka ako sa fadir ni Jan Jan na nagta­trabaho sa parlor dahil show­biz na showbiz siya. Muk­hang siya ang may gusto na maging artista, hindi ang kanyang anak!

Hindi ko ma-take ang eksena na nag-dance to death din ang tatay ng bagets.Nakakaloka siya ‘ha? Very stage father ang kanyang drama!  

***

Ayaw patulan ng isang sikat na personality ang isyu na hiwalay na sila ng kanyang misis.

Nakikiusap siya sa mga reporter na tumatawag na huwag na siyang tanungin tungkol sa malungkot na kuwento ng kanyang lovelife. Ang duda ng mga reporter, hurting pa rin ang sikat na personality sa pagkasira ng pamilya niya.

Nakikisimpatiya rin sa sikat na personalidad ang kanyang mga kaibigan kaya hindi sila nagkukuwento tungkol sa puno’t dulo ng hiwalayan. Knows mo ba kung sino siya, Mama Salve?

vuukle comment

DAHIL

DARA

JAN

JAN JAN

JENNYLYN

LIZ

MRS. LIGOT

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with