Magic ni Kris nabawasan na
Isang bagong kumbinasyon ang masasaksihan sa bagong dance serye ng GMA 7, tentatively titled Jump tampok dito sina Mark Herras, Kris Bernal, at Rocco Nacino, mga pare-parehong StarStruck discoveries.
Maganda rin ang naibigay na ka-tandem sa nagbabalik na si Ali Sotto sa kanyang daily talk show, ang Star Box. Ito’y si Papa Jack na una kong narinig ang pangalan sa mga kasama ko sa bahay.
* * *
Bukambibig ng lahat ang sisimulan ngayong araw na ito na Captain Barbell.
Napakalakas ng impact na nilikha ng comeback ng series ni Richard Gutierrez kung kaya ang lahat ay nag-aabang nito, akalain mo, nagkaroon pa ito ng launching na animo ay isang movie premiere. Lahat nang dumating naka-formal attire.
Bilib ako kay Richard dahil talagang pinagtuunan niya ito ng panahon.
Nagkasakit-sakit pa siya pero worth it naman ang pagod niya. Naka-create ang network ng interest sa lahat ng tao para sa serye niya.
He can’t ask for a better promotion. Feel na feel niya ang love sa kanya ng GMA.
* * *
Naglaho na nga ba ang magic ni Kris Aquino bilang reyna ng mga game show? Balitang hindi maganda ang pagtanggap sa kanyang game show sa Dos kaya isang beses na lang ito sa isang linggo mapapanood na ikinaiimbiyerna raw nito?
Huwag naman sanang magalit si Kris. Palagay ko hindi siya ang may problema kundi ang show mismo. Nang mawala ito sa pangangalaga ni Art Linkletter, ang orginal host nito, ay talagang malaki ang nabawas sa popularidad nito. Isa pa sa US talagang bongga ang mga premyong ipinamimigay dito, wholesale pa. Eh dito sa atin, mahirap tamaan ‘yun dahil nga nasa krisis ang ekonomiya natin. Malaki na sa atin ang P100,000. Kapag lumampas pa rito ay lugi na ang show na siguro ay malaki rin ang bayad sa franchise ng network na kinabibilangan niya.
- Latest