^

PSN Showbiz

Jennylyn nakatikim ng sakal at sampal kay Dennis?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Napagdesisyunan na ni Jomari Yllana na hindi na muna maging active ang Fearless Productions hangga’t nasa kulungan pa ang nagbitiw na kongresistang si Ronald Singson.

“In my case ako, ayokong gumalaw, ayokong gawin ‘yung nakasanayan kong ginagawa naming dalawa.

“Mas lalo akong naka-focus sa kanya spiritually, physicaly hindi masyado hindi naman natin makausap kaagad-agad kasi meron siyang kinalalagyan ngayon. Kasi sa akin ang partnership ano ‘yan, walang iwanan hanggang sa huli lalo na pag merong tunay na pagsubok sa pagkakaibigan. Dun sa mga nangyayari at pinagdaraanan, ‘yung mga pagsubok na dumarating sa inyo. Diyan mo makikita kung gaano katatag ang mga magkakaibigan, and natutunan ko ‘yan kay Ronald,” malungkot na pahayag ni Jomari.

Alam daw niyang hindi ganun kadaling dalawin si Ronald sa kulungan sa Hong Kong, pero susubukan pa rin daw niyang puntahan kung mabibigyan siya ng pagkakataong makapasok at makaharap ito.

PAK : Napaiyak daw si Ervic Vijandre nang makapanayam ito ng Showbiz Central sa premiere showing cum presscon ng Captain Barbell nung nakaraang Huwebes.

Naging emosyonal daw ito nang napag-usapan na naman si Ma­rian Rivera kaya ang pakiusap ng supporters ni Marian, sana huwag nang ungkatin pa nito ang dati nilang relasyon dahil sobrang tagal na nga silang naghiwalay at mukhang pareho naman silang nakapag-move on.

Masaya na si Marian kay Dingdong Dantes, at si Ervic naman ay na-link na rin noon kay Aifah Medina pero hindi nagtagal at ngayon ay hindi na sila nagkikita.

Sana mag-focus na lang daw sila sa kanilang trabaho lalo na’t abala naman si Ervic dito sa Captain Barbell na magsisi­mula na ngayong gabi sa GMA Telebabad.

BOOM : Ayaw pa rin magsalita nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado tungkol sa kanilang hiwalayan.

Ang dami tuloy naglalabasang espekulasyon kung ano talaga ang dahilan ng break-up.

Totoo kayang umabot na sa pisikalan ang kanilang pag-aaway kaya napagdesis­yunan na nilang maghiwalay?

Totoo kayang may sakalan, at merong sampalan kaya tuluyan na silang naghiwalay?

Sa ngayon ay hindi pa raw handa si Jennylyn na pag-usapan ito dahil masakit pa rin daw sa kanya at hindi pa naghilom ang sobrang sakit na pinagdaanan niya.

Si Dennis naman ay hindi raw talaga magsasalita dahil noon pa man ay hindi na ito sanay na pag-usapan ang tungkol sa kanyang lovelife lalo na’t hiwalay na sila.

Ang sabi naman ng manager ni Jennylyn na si Becky Aguila, dapat na si Dennis daw ang magsalita at kailangan daw nitong humingi ng tawad sa aktres dahil sa mala­king kasalanang nagawa nito.

AIFAH MEDINA

BECKY AGUILA

CAPTAIN BARBELL

DAW

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

ERVIC

ERVIC VIJANDRE

FEARLESS PRODUCTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with