Sa kabila ng paghahabol ng nanay ni Toni AiAi, umaasang mapapasakanya ang Box Office Queen title
Noong March 15 ay mabilis na kumalat ang balitang mayroon nang itinanghal na Box Office King and Queen ang Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.
Nag-tie diumano sina Vic Sotto at Bong Revilla bilang Box Office King para sa Si Agimat at si Enteng Kabisote at si AiAi delas Alas naman daw ang Box office Queen para sa Ang Tanging Ina Mo, Last na ‘To.
Kasunod nito ay lumutang naman ang balitang hindi raw matanggap ng ina ni Toni Gonzaga na si Mommy Pinty ang pagkakapili kay AiAi bilang Box Office Queen.
Ano kaya ang reaksiyon ni AiAi sa isyung ito? “Nag-start kasi ‘yung about dun sa scheduling, kung kailan ‘yung coronation. Siguro may tumawag na taga-Guillermo, nalaman nila na sina Sen. Bong and Bossing Vic ang Box Office King, so tinanong nila kung sino ‘yung babae, sinabi nila ako. Tinawagan ako, kinongratulate ako. Ngayon naman after five days, ang Backroom (Talent Management Agency ni AiAi), tinatawagan ako kung puwede ako sa May 8, kasi ako ang kokoronahang Box Office Queen. Sabi nila, bakit daw kami merong ganun eh may deliberation pa,” kuwento ni AiAi.
Ayon naman sa isa sa mga directors ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation na si Amy Samaniego Tiongco ay wala pa raw talagang official at final results sa ngayon para sa Box-Office winners. “We based the results from the data we gathered. We collate all the data, and from there, makikita natin kung sino ang top-grossers, ‘yun po talaga. Hindi pa po kami nagde-deliberate, we are still in the process of gathering the results, we have few data in hand. When we have all the data in hand, we will set a date on when we are going to do the judging and the deliberation and ire-release po namin agad ang results. As of now I cannot divulge any official statement kasi nga po wala pa po kaming data, although I can officially say talaga pong sila ang best contenders doon sa award,” paglilinaw ni Amy.
Sa kabila nito ay inamin ni AiAi na umaasa pa rin daw siyang maiuuwi ang korona. “Thank you kung sa akin, thank you rin kung hindi, pero mas maganda kung sa akin. Parang price namin, nakakatuwa iyon para sa akin, regalo, gift. Nakaka-inspire iyon para lalo naming pagbutihan, lalo naming galingan. Gusto ko talaga iyon, gusto ko kapag malalaki na ‘yung apo ko, ipapakita ko sa kanila na ang dami kong awards,” dagdag pa ni AiAi.
Wala naman daw hinanakit ang comedy queen sa kampo ni Toni dahil sa isyung ito. “Hindi naman ako nagtatampo kasi mahal ko naman si Celestine (Toni), kung kanino naman ang para kanino, ibigay, let’s be fair. Alam mo naman kami ni Celestine, anak ko iyon, mahal ko ‘yun kaya walang problema sa amin,” pagtatapos ni Aiai.
My princess....
Mamayang hapon ay magsisimula na sa Kapamilya Gold ang pinakabagong Koreanovelang My Princess. Pagbibidahan ito ng Asia’s premiere actor na si Song Seung Hun at si Kim Tae Hee na kilala naman bilang most Beautiful Woman in Korea. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest