^

PSN Showbiz

Richard pina-mature

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Nagpalakpakan ang mga nanood ng unang episode ng Captain Barbell sa SM The Block noong Huwebes ng gabi dahil ang ganda ng mga special effects lalo na sa pagsasagupa ni Captain Barbell at ang kanyang kaaway na si Nero portrayed by Christopher de Leon.

First time na makatrabaho ni Richard Gutierrez bilang Teng at Captain Barbell si Boyet.

Sabi ni Richard, ‘‘It’s really an honor working with him. Noong una ko siyang makaharap, natakot ako sa kanya pero hindi ako nagpahalata. Unang eksena pa lang namin ay umaatikabong fight scenes na.’’

Idinagdag pa ng young actor na kung naging successful ang unang Captain Barbell, mas gagawin nila itong very, very successful dahil maraming paghahanda ang kanyang ginawa.

‘‘Nag-mature na sina Teng at Captain Barbell sa makabagong panahon. Ang bagong misyon ni Captain Barbell ay hanapin ang mga taong nagtamo ng pambihirang lakas at kapangyarihan at hikayating sumama sa kanyang laban para pa­ngalagaan ang kapayapaan,’’ sabi ni Richard.

Magsisimula na ang Captain Barbell sa March 28 sa GMA Telebabad.

*   *   *

Ang Miss World pageant ay hindi lang naka­pag-produce ng magagandang babae sa loob ng 60 years kundi layunin nila na makatulong sa mga kapuspalad.

Sa kanyang speech, sinabi ni Cory Quirino, chair at CEO ng CQ Global Quest para sa Miss Word-Philippines na magiging beneficiaries nila ang PGH Medical Foundation at Tuloy Street Children Foundation.

‘‘I’m determined to give the much-anticipated beauty search a meaningful purpose by adopting the slogan ‘Beauty in Giving.’ Nang unang ialok sa akin ni Mrs. Julia Morley na siyang chairman ng Miss World Limited ang exclusive license agreement ng Miss World-Philippines ay hindi ako makapaniwala. Why me? After three minutes, I accepted it. The winner will be the heart and soul of the country,’’ sabi ni Cory na nakangiti sa pagkukuwento.

Malalaking premyo ang mapapanalunan sa Miss World-Philippines sa pakikipagtulungan sa vice chairman ng SM Development Corporation na si Henry Sy, Jr. kung saan bukod sa grand prize na P1 million ay meron pang one brand new condo unit.

vuukle comment

ANG MISS WORLD

BARBELL

CAPTAIN

CAPTAIN BARBELL

CORY QUIRINO

DEVELOPMENT CORPORATION

GLOBAL QUEST

HENRY SY

MISS WORLD-PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with