^

PSN Showbiz

Ana Leah Javier, napatawad na ang pumatay kay John

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Ngayong araw ay nakatakda nang i-cremate ang mga labi ng aktor na si John Apacible sa Holy Gardens Crematorium sa Angono, Rizal.

Noong Linggo naganap ang pagkakapaslang sa aktor ng kanyang sariling tiyuhin na si Armando Rustia na agad namang sumuko sa autoridad.

Sa pagkamatay ni John ay sobrang nangulila ang kanyang girlfriend sa loob ng siyam na taon, ang dating miyembro ng Viva Hotbabes na si Ana Leah Javier. “Total disbelief, parang binagsakan ako ng buong mundo dahil siyem­pre sobrang sakit noon. Para akong natanggalan ng dalawang paa, ang hirap mag-start ulit, I can’t imagine myself being with someone else, knowing you’ve spent so much of your time with him,” emosyonal na pahayag ni Ana Leah.

Napatawad naman na raw niya ang uncle na nakapatay kay John. “If ang Lord nga, nakaka-forgive, ako pa kaya, pero siyempre we have the law na kapag may kasalanan ka dapat pagbayaran, as much as possible gusto ko na he also gets what he deserves para hindi na maulit,” dagdag pa ng dalaga. Sobrang nalulungkot si Ana Leah sa tuwing maaalala ang plano nilang pagpapakasal na sana ni John. “Before nagjo-joke pa nga siya na huwag raw muna akong mag-boyfriend kapag namatay siya dahil mumultohin niya raw ako,” kuwento pa ni Ana Leah.

Gabby Concepcion, balik na sa pag-arte

Isang kakaibang love story ang mapapanood natin mamayang gabi sa longest running drama anthology in Asia, ang Maalaala Mo Kaya.

Ang special episode rin na ito ang itinuturing na pagbabalik-telebisyon ni Gabby Concepcion.

Ilang buwan na rin kasing namahinga pansamantala ang aktor sa pag-arte at ngayon ay muli siyang mapapasabak sa drama. “Ako’y isang pulis dito, makakasama ko si Bangs Garcia. Dito maipapakita kung paano mapapagkatiwalaan ‘yung isang tao, bibigyan mo siya ng kalayaan. Doon mo papakita na sa pagbigay mo ng kalayaan mas lalo kang mamahalin. ‘Yung una kong MMK was in the 90’s, magaganda kasi ‘yung istorya ng MMK. Nangyayari talaga sa buhay,” pahayag ni Gabby.

Ngayon raw ay pinipili na ni Gabby ang bawat project na kanyang ginagawa.

Iba raw kasi ang fulfillment sa sarili kapag magaganda ang nagagawa niyang mga proyekto. “Namimili ako ng istorya para sa audience ko, I owe it to them, gagawa lang ako kung kakaiba. Kung ano ‘yung magandang istoryang ipapakita ko sa kanila,” dagdag pa ng aktor.

Samantala, masayang-masaya naman sina Bangs Garcia at Rodjun Cruz dahil nakasama sila sa special episode na ito ng MMK.

Itinuturing daw nila itong fulfillment para sa kanila. “Natutuwa ako na binigyan ako ng opportunity na magkaroon ng lead role sa MMK. Sinisigurado ko na hindi sila magsisisi sa pag-pick sa akin, papakita ko sa kanila na karapat-dapat ako. Gusto kong maging versatile,” pahayag ni Bangs.

“Kapag may ibinibigay sa akin na role, talagang ginagalingan ko. Abangan n’yo itong MMK namin, sigurado akong mai-inlove kayo, luluha at tatawa kayo dito,” pahayag naman ni Rodjun.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ANA LEAH

ANA LEAH JAVIER

ARMANDO RUSTIA

BANGS GARCIA

GABBY CONCEPCION

HOLY GARDENS CREMATORIUM

JOHN APACIBLE

MAALAALA MO KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with