Reyna ng aliwan magpapainit
MANILA, Philippines - Inaasahang higit na mag-iinit ang labanan sa taunang selebrasyon ng Aliwan Fiesta sa paglahok ng 22 naggagandahang dilag sa Reyna ng Aliwan, gaganapin sa maningning na mga pagtatanghal sa ika-15-16 ng Abril sa Aliw Theatre complex sa Pasay.
Inilahad na ng Manila Broadcasting Company ang listahan ng mga kalahok sa taong ito na suportado muli ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at mga lungsod ng Maynila at Pasay.
Sila ay sina Janine Lao ng Sta. Mesa; Avegail Plaza ng Pasig City; Kate Adi ng Baguio; Toni Mae Martinez ng Bangued, Abra; Jeremy Jane Evans ng Isabela; Bernadette Chai ng Meycauayan, Bulacan; Angel Henson ng Candaba, Pampanga; Crissia del Atienza mula Puerto Galera, Oriental Mindoro; Quincel de la Cruz ng Calaca, Batangas; Jonalyn Jugo ng Catanauan; at Faye Eguia para sa Quezon province.
Kasali rin sina Giselle Hole, Samantha Amparo, at Dominique Braun na kapwa taga-Iloilo; Rogelie Catacuutan ng Cebu; Ivy Clemente ng Dumaguete; Ayana Joy Grico ng Surallah, South Cotabato, Richelle Valerie Pailden, at Ferlyn Micaela Pareja na parehong taga-General Santos City; Shina Marie Batiancila ng Malapatan, Sarangani; Irene Lascuna mula Davao, at mga taga-Maguindanao na sina Brelyan Jarabes ng Sultan Mastura at Rashema Sero ng Sultan Kudarat.
Kasama ng Reyna ng Aliwan 2010 na si Rizzini Gomez, ang mga kandidata ay sasakay sa magarang float sa parada na gaganapin sa ika-16 ng Abril na magmumula sa Quirino Grandstand, patungong Aliw Theater sa CCP Complex.
- Latest