Phoemela gustong pagbayarin ng buwis ang mga imported models
Hindi maipaliwanag ni Isabel Oli, at maging ni James Yap, kung bakit hindi mawala ang pagli-link sa kanila. Minsan lamang silang nagkasama sa isang event at hindi na ito nasundan, pero ever since, pinagpapareha na sila. Dahilan kaya ito sa pareho silang single at walang commitment? At maski na ang itinuturing na ex na ni James, kahit hindi pa bumababa ang kanilang annulment, na si Kris Aquino, ay nagsabi na ng pagsang-ayon sa kung anumang relasyon meron ang dalawa, pero sina Isabel at James din mismo ang nagsasabi na friendship lamang ang namamagitan sa kanila.
Marami ang naniniwala na itinatanggi ng dalawa ang relasyon nila dahil di pa annulled si James. Hintayin daw natin na ma-annul ito at aamin din sila.
* * *
May pulitika na rin ba behind the proclamation of the Box-office King & Queen titles? Naunang napabalitang sina Vic Sotto at Bong Revilla ang nanalo bilang box-office king.
Una ring sinabi na si AiAi delas Alas ang mananalo dahilan sa itinalang record ng kanyang pelikula sa 2010, lalo na ang Ang Tanging Ina Last Na ‘To, pero bigla na namang may lumabas na tila hindi si AiAi ang mabibigyan ng award kundi ang kapamilya niyang si Toni Gonzaga.
Kukuwestiyunin ba ito ni AiAi lalo’t concerned din si Toni? Siyempre hindi. May pride din naman siya. Ibinibigay lang ang award, tumatanggap lang siya. Kung ibigay sa kanya, eh ‘di salamat. Kung hindi naman, walang mawawala sa kanya. Ang hindi lamang siguro dapat mangyari eh ‘yung nasabihan na siya at pagkatapos eh babawiin. Foul na ‘yun.
* * *
Mukhang malaking kabutihan para sa mga local na modelo ang pagkakahalal kay Phoemela Baranda bilang pangulo ng Philippine Models Association of the Philippines (PMAP) dahil layunin nito na makagawa ng mga bagong batas para sa proteksiyon ng mga tulad niyang local na modelo at para rin maiangat ang kanilang propesyon.
Ang layunin niya ay bunga ng tagumpay na tinatamasa sa ating bansa ngayon ng mga banyagang modelo na dumarating at naaagawan pa ng trabaho ang mga modelong Pinoy. Gusto naman niyang matulungan sila at mapangalagaan ang kanilang trabaho na naagaw nga ng mga banyaga hindi dahil sa mas magagaling sila kundi dahil sa mentalidad ng Pinoy na anumang bagay na imported ay mas magaling kaysa sa lokal.
“We should create a fair law, pagbayarin sila ng taxes sa kanilang kinikita rito,” sabi niya.
Mabuhay ka, Phoemela!
- Latest