^

PSN Showbiz

Marian 'pinatay' din sa text

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Sa sobrang focused ni Richard Gutierrez sa Captain Barbell, hindi matutupad ang plano nitong gumawa ng isa pang pelikula this year. “I can’t do anything else, one hundred percent focused ako rito, si Barbell lang ang pag-ibig ko,” sabi ng aktor.

May pressure ba sa kanya ang pagbabalik ni Captain Barbell at ang sinasa­bing siya ang magsi-save sa primetime ng GMA 7?

“Grabe namang pressure ’yan. Sabi? Basta, we’re giving our best at lahat ng alam namin kung paano mapapaganda ang show, ginagawa namin. May pressure siyempre dahil ang taas ng expectations ng tao, but so far, happy ako sa nagawa namin although I have to see the first episode pa. Kinakabahan ako, pero mas excited ako dahil mas mahirap ang Captain Barbell ngayon,” sabi ni Richard.

Dahil city ang setting, madalas sa Metro Manila ang taping nina Richard, eh summer ngayon kaya dobleng hirap. Dalawa ang costume ni Captain Barbell ang ginagamit niya at may dalawa pang darating. May ginawang adjustment sa costume ng bida, may ventilation ito at mas free siyang gumalaw.

* * *

Bumabawi si Marian Rivera sa rami ng trabaho ngayon dahil matagal siyang walang regular show after Endless Love. Kaya ayaw magpa-pressure ng aktres kahit patung-patong ang schedule niya, basta maayos lang ng husto.

Nakabawas sa work load niya na tapos na ang taping niya ng Spooky Nights Presents Bampirella at pilot na nito sa Saturday, May 26. Sa taping ng Amaya at Show Me Da Manny at shooting ng Panday 2 at Temptation Island na lang ang problema niya lalo’t, magkalayo ang location.

Sa Paoay, Ilocos Norte ang shooting ng Temptation Island, sa Tanay ang Panday 2, at sa Pangasinan ang taping ng Amaya. Kaya habang ginagawa ang mga projects, magpapabalik-balik si Marian sa mga nabanggit na lugar.

“Kahit malalayo ang location ko, enjoy ako dahil iba’t ibang role ang ginagawa ko. First time kong gaganap na vampire sa Bampirella, warrior-princess ako sa Amaya, dragon ako sa Panday 2, at si Azenith Briones ako sa Temptation Island, bongga ’di ba? Pinanood ko na ang movie para pag-aralan ang dance step niya,” excited nitong sabi.

 Si Marian pala ang latest celebrity na pinatay sa text da­hil last Tuesday, bago ang presscon ng Bampirella, kumalat sa text na namatay ang aktres after an accident in Ca­vite. Naloka ito, pero ayaw nang alamin kung sino ang nag­kalat ng tsismis.

* * *

Ang balitang isa siya sa magiging director ng Party Pilipinas ang una na­ming itinanong kay Direk Dominic Zapata nang makita namin sa taping ng Captain Barbell. Mukhang ma­labong magkatotoo ang tsika dahil hindi raw niya maasikasong idirek ang show kahit alternate sila ni Direk Mark Reyes dahil focused din siya sa Captain Barbell.

Kuwento ni Direk Dom, hindi na nakatutok sa romance ang Captain Barbell ngayon at may dalang angst ang karakter nito. Tsinika rin nito kung saan galing ang powers ng kakampi at makakalaban ni Captain Barbell.

Madugo sa mga special effects ang fantasy series at ang location nila, mistula silang may tour of Metro Manila sa pagpapalipat-lipat. 

* * *

Masipag si Mariel Rodri­guez sa pagti-tweet sa opening ng movie nila ng mister na si Robin Padilla. Sa April 6, na ang showing ng Tum: My Pledge of Love at kasunod nito, ang pagpo-promote ni Mariel sa special documentary nilang mag-asawa.

Pinamagatang Iisang Lan­das ang docu special na mapapanood sa March 27, sa ABS-CBN. Ipapakita nina Mariel at Robin ang buhay may-asawa na silang dalawa lang. May mga eksena sa bedroom, sa kitchen, at wala silang make-up pareho. Magpapalabas din ng mga footages ng dalawa na hindi pa napapanood.

Incidentally, si Robin ang bagong endorser ng Natasha at ilo-launch siya next week. 

vuukle comment

AKO

AMAYA

AZENITH BRIONES

BARBELL

CAPTAIN

CAPTAIN BARBELL

METRO MANILA

PANDAY

SHY

TEMPTATION ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with