^

PSN Showbiz

Nagsumpaan na Joshua at Barbie hihintayin ang isa't isa

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Unfair nga namang pagkalooban ninyo si Vic Sotto ng titulong Box-Office King dahil sa malaking kita na ipinasok sa takilya ng Si Agimat at si Enteng Kabisote at iitsapuwera si Sen. Bong Revilla, Jr. eh sila ang gumanap ng title role sa nasabing movie. May nauna na kasing lumabas na balita na si Bossing Vic lang ang tatanghaling Hari ng Takilya ng Guillermo Mendoza Memorial Awards at hindi nabanggit ang mabunying senador ng bansa.

Eh parehas lang naman ang role nila, sa substance at sa exposure. Unfair nga naman na mapag-iwanan siya at ma-snob kung paniniwalaan ang balita. So, nag-react ang nasabing award-giving body at nagpaliwanag na wala pa silang opisyal na ipinahahayag tungkol dito, lalo na nung nagsimula nang magkaroon ng isyu.

So okay, wala pa palang opisyal na pahayag kaya wait na lang tayo. Tayo naman kasi ang bilis mag-jump into conclusion. Sorry is in order. Next time we’ll know better.

* * *

Ex na nga lang ba si Cong. Ronald Singson   ni Lovi Poe? Totoo ba ito? Ibig sabihin ba na porke nasa loob ng kulungan ang dating kongresista ay wala na silang relasyon ng aktres? I’m sure itatanggi ito ni Lovi kahit never pa naman niyang inamin na sila na nga. Ang mga ginagawa lamang niya ang nagpapatunay na mahigit pa sa pagkakaibigan ang relasyon.

Sa nakikita ko naman kay Lovi, in love ito sa   nasabing pulitiko at hihintayin niya ang paglaya   nito. What is one and a half years sa isang tunay na pag-iibigan? At ayon naman sa ama ni Ronald, baka hindi ito abutin ng isang taon kapag nagpatuloy ang pagpapamalas nito ng magandang ugali sa loob ng piitan.

* * *

Talagang seryoso si Ruffa Gutierrez sa kanyang pag-aartista. Nag-workshop pa siya under Gina Alajar para magawan niya ng tamang atake ang kanyang role sa Mga Nagbabagang Bulaklak. Katulad din ng mahusay niyang paghu-host, gusto rin ni Ruffa na magampanan ng maganda ang kanyang role sa bagong serye. Ayaw niyang maging isang magandang artista lang.

Aprub naman si mother Bisaya na maganda ang takbo hindi lamang ng career ng kanyang mga anak kundi maging ng lahat niyang alaga.

* * *

Totoo ba Barbie (Forteza) at Joshua (Dionisio) na gani­to kaaga ay may sumpaan na kayo na hihintayin ang pagdating n’yo sa tamang edad at kung by that time ay na-feel n’yo na talagang love n’yo ang isa’t isa ay kayo na talaga? Napaka-sweet naman pero wise decision dahil sa ganitong pamamaraan ay hindi maaapektuhan ang gumagandang career n’yo.

Tanggapin natin na talagang napakabata pa ninyo para pumasok sa isang seryosong pakikipagrelasyon. Tama na muna ang puppy love at crush. Ito ay nagbabago sa paglipas ng panahon. When you’re a grown up na and still feels what you think is love, aba eh sumige kayo. Pero sa ngayon, trabaho muna.

vuukle comment

BONG REVILLA

BOX-OFFICE KING

ENTENG KABISOTE

GINA ALAJAR

GUILLERMO MENDOZA MEMORIAL AWARDS

LOVI

LOVI POE

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with