PARTY PILIPINAS isang taon na
MANILA, Philippines - Isang star-studded concert party ang magaganap sa unang anibersaryo ng Party Pilipinas sa pamamagitan ng simultaneous live performances nationwide sa March 27.
Mangyayari ito sa apat na key cities sa bansa : SM Mall of Asia, Baguio City, Davao City and Cebu City.
At hindi lang ang malalaking artista ng GMA 7 ang mapapanood dito kundi variety of high-energy, electrifying and spectacular production numbers and surprises. Pinaghahandaan nila ito at inaasahang magiging isang malaking-malaking pagtatanghal.
Kaya humanda na sa selebrasyon ng unang taon sa ere ng PP sa March 27.
Pero bago ‘yun, tunghayan ang kanilang pagtatanghal ngayong araw sa isang pre-anniversary special na pinamagatang One Party Pilipinas.
Pangungunahan nina Ogie Alcasid, Jaya, Janno Gibbs at Regine Velasquez-Alcasid ang selebrasyon.
Kasama rin sa pre-anniv presentation ang launching ng Ang Spooky Mo na pinagbibidahan ni Marian Rivera sa nagliliyab na dance number nila kasama sina Mark Herras, Glaiza de Castro, Aira Bermudez of Sexbomb, at Rochelle Pangilinan.
Samantala, ang Pop-RNB’s little princess Julie Ann San Jose ay magpapakita ng kanyang galing sa Sayaw Pilipinas kasama ang P-Pop groups XLR8 and Pop Girls; Eat Bulaga Dabarkads Julia Clarete, Pauleen Luna, and Daiana Menezes; together with the official dance crew - Rocco Nacino, Steven Silva, Enzo Pineda, Sef Cadayona, Yassi Pressman, Winwyn Marquez, Mayton Eugenio, and Diva Montelaba.
Celebrate this generation’s OPM on Pinoy Jam with Jolina Magdangal, Dennis Trillo, Sarah Lahbati, Ynna Asistio, Kylie Padilla, Jay Perillo, Miguel Escueta, and Geoff Taylor.
- Latest