Aktres nagsakit-sakitan sa taping kinabubuwisitan ng staff
Inis na inis ang staff ng isang soap sa pagiging pasaway ng isang aktres sa taping nila. Nag-complain ito nang pananakit ng katawan habang nagti-taping at tama namang hospital ang location nila kaya agad siyang pina-check-up.
Normal lahat ang vital signs ng aktres after siyang i-check ng doctor, pero masama pa rin daw ang pakiramdam at nagpadala sa ibang hospital na sinunod naman ng staff.
Nang nasa gustong hospital na ang aktres, tumawag sa staff ng soap na nasa location para sabihing inaatake siya ng asthma and she was advised daw by her doctor to take a rest, kaya hindi na siya babalik sa taping. Walang nagawa ang staff kundi mainis. Kung puwede lang sigurong iklian ang exposure ng aktres sa soap ay ginawa na nila para hindi na sila mamroblema pa.
* * *
Malulungkot nito ang sumusubaybay sa Reel Love Presents…Tween Hearts dahil may plano raw ang staff at mga taong nasa likod ng top-rating Sunday youth-oriented series ng GMA 7 na alisin ang dalawa sa original cast para palitan ng iba para hindi magsawa ang viewers.
Mahaba pa kasi ang tatakbuhin ng programa dahil kundi magbabago ang plano, hanggang September ang extension nito at ang naisip ng staff na paraan para hindi pagsawaan ay magpalit ng ibang cast.
Ang dinig namin, dalawa ang aalisin sa cast, pero hindi pa alam kung magka-love team o individual member.
Gusto kaya ng Tween Hearts fans ang balak na ito?
Pero sa movie version ng Tween Hearts, kasama raw lahat ang nasa cast ng series at join din sina Louise delos Reyes, Alden Richards, Krystal Reyes at baka pati si Kylie Padilla ay makasama rin.
* * *
May takot pa rin si Jean Garcia sa nangyari sa kanya habang nasa taping ng Alakdana. Habang naka-park ang kotse niya, binutas ang salamin ng bintana at kinuha ang kanyang bag. Ang ikinaloka nito’y tanghaling tapat nangyari ang lahat at sa rami ng mga nakaparadang sasakyan, ang sasakyan pa niya ang napagtripan.
Pasalamat na lang si Jean na bag lang ang nakuha at hindi na kinarnap ang kanyang sasakyan, pero ilang araw din niyang iniyakan ang nangyari.
Anyway, walang reklamo si Jean sa taping ng Alakdana, masaya sila kahit drama ang ginagawa. One tent lang ang standby area nila, nagsisiksikan sila, pero nakakapag-bonding.
Puring-puri ni Jean ang young cast ng Alakdana lalo na si Louise delos Reyes na first time nagbibida.
* * *
Bukas na magsisimulang umere ang dramaseryeng Mga Nagbabagang Bulaklak ng TV5 at makikilala na ng viewers si Mr. A o Apollo Ortega, ang production and creative head of ETVN na ginagampanan ni Richard Gomez. Ngayon lang uli magda-drama ang actor, kaya excited at laging ganado sa taping.
Isang ikinatutuwa ni Richard sa kanyang role, karamihan ay ngayon lang niya makakasama sa TV at sina Sheryl Cruz at Ruffa Gutierrez na gaganap na kanyang asawa ay nasubaybayan pa niya ang paglaki.
Monday to Wednesday ang taping niya, kaya may time pa ring samahan ang asawang si Cong. Lucy Torres-Gomez sa trabaho nito sa Kongreso. Every week, umuuwi pa rin sila sa Ormoc City to check kung ano ang kailangan ng constituents ni Lucy sa 4th district ng Leyte.
“I’m very proud of my wife dahil masipag and she’s doing very, very well. Siya ang Assistant Majority Floor Leader. Naghahanap siya ng project for her district and she will run for another term at suportado ko ‘yun,” ani Richard.
* * *
Tuloy pa rin ang nationwide auditions ng biggest dance search na tinawag na Jump In sa Party Pilipinas. Ang mananalo ay isasama sa first danserye ng GMA 7.
Open ang audition sa male and female dancers, 16 to 22 years old, single performer or mixed member dance crew (maximum of 8 members).
Mag-audition kayo sa susunod na venues and dates: SM Cebu Event Center on March 23, Davao City on April 1. Bring your own music for the audition.
- Latest