Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar nag-iimbita
MANILA, Philippines - Alam n’yo ba na maraming mga artistang sobrang busy sa kanilang showbiz commitments ang gumagamit na rin ngayon ng tinatawag na “personal shopper”?
Hangad ng Manila Broadcasting Company na iangat ang antas ng “personal shopping” bilang uri ng sining sa muling pagkakaroon ng Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar sa ika-14 hanggang ika-16 ng Abril sa Sotto Street ng CCP Complex sa Pasay.
Inaanyayahang magtayo ng booth ang mga nagtitinda ng iba’t ibang produktong galing sa mga lalawigan –maging handicraft, pananamit, fashion accessory, katutubong habi, mga prutas at kakanin, o kahit gamit sa bahay. Ang mga kooperatiba, tribal showroom, at mga NGO na kasali sa kampanyang One Town, One Product ng Department of Trade and Industry ay partikular na inaasahang lalahok.
Ang mga interesado sa Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar ay maaaring makipag-ugnayan kay Teray Rivas sa telepono bilang 832-3249 at 408-9092.
- Latest