^

PSN Showbiz

Botohan para sa Studio 23 Barkada Choice Awards umpisa na

-

MANILA, Philippines - Maglalaban-laban ang mga sikat na TV, film, music, at sports stars sa parehong local at international scenes para makuha ang boto ng mga Kabarkada sa buong bansa sa unang Barkada Choice Awards ng Studio 23.

Mayroong 14 categories na pinangalanan ang Barkada Choice Awards at pipiliin ng taong bayan kung sino ang mananalo sa pamamagitan ng pagte-text.    

Para bumoto, i-text lang ang WRAP<space>CATEGORY KEY WORD<space>LETTER OF CHOICE sa 2331 para sa Globe, TM, at Sun Cellular subscribers at sa 231 para sa Smart at Talk ‘N Text subscribers.

Nominado para sa Barkada Male Icon (text keyword: MICON) category sina Gerald Anderson (A), Enchong Dee (B), Sam Milby (C), at Derek Ramsay (D).

Sina Kim Chiu (A), Maja Salvador (B), Erich Gonzales (C), at Sarah Geronimo (D) ang mga nominado para sa Barkada Female Icon (FICON) ca­tegory.

Magtutunggali naman sina Bea Alonzo (A), Angel Locsin (B), Kim Chiu (C), at Angelica Panganiban (D), sa Best Actress of the Year (ACTRESS) at sina John Lloyd Cruz (A), Enchong Dee (B), Gerald Anderson (C), at Piolo Pascual (D) ang maglalaban para sa Best Actor of the Year (ACTOR).

Bibigyang pugay din ang music artists sa OPM Artist of the Year (OPM) award kung saan nominado sina Bugoy Drilon (A), Juris (B), Sarah Geronimo (C), at Jovit Baldivino (D).

Samantala, sino kaya kina Luis Manzano (A), Bianca Gonzalez (B), Vice Ganda (C), at Anne Curtis (D) ang dapat kilalaning Choice Tweet Idol (TWEET) category.

Sina Ryan Bang (A), ‘Us Girls’ hosts (B), Robi Domingo (C), at Aaron Atayde and RR Enriquez (D) naman ay ang mga magkakatunggali para sa Choice Kabarkadas (KADA) award.

Para sa kumpletong listahan ng mga kategorya at mga nominado, maglog on lang sa www.studio23.tv. Gaganapin ang Barkada Choice Awards sa April 8 na pangungunahan ni Gretchen Fullido bilang host.

Bukod sa pagbibigay ng kapangyarihang mamili ng mananalo, muli rin kayong binibigyan ng Studio 23 ng kapangyarihang kilalanin ang mga kalalakihan sa bagong season ng Usapang Lalake kasama sina Boom Labrusca, Arran Sese, Jobert Austria, at Alex Calleja tuwing Miyerkules, 10:30 PM.

vuukle comment

AARON ATAYDE

ALEX CALLEJA

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

ANNE CURTIS

BARKADA CHOICE AWARDS

ENCHONG DEE

GERALD ANDERSON

PARA

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with