Sharon nahihirapang magpapayat ngayon?
Kay Arci Munoz mismo nanggaling na hindi siya kumportable na pinagkakamison lamang siya’t pinaliligo sa batis sa seryeng Mga Nagbabagang Bulaklak. Halos mapaiyak daw siya nang gawin niya ang eksena dahil hindi siya kumportable pero ginawa na rin niya dahil big break ito sa kanya. Hindi raw siya handa sa mga ganung eksena pero kakayanin niya para lamang mapaangat ang career niya. Hiling niya na hindi siya mabansagang sexy star.
Mahirap talaga ang pinasok niya. Ang serye na ginagawa niya ay mature ang tema kaya makakaasa pa siya ng mas matitinding eksena.
Dapat ngayon pa lamang ay kausapin na niya ang manager niya para malaman nito ang mga ayaw at gusto niyang gawin. Para malaman din ng direktor nila kung hanggang saan lamang ang makakaya niyang ibigay.
***
Aba at ang dami na palang alaga ni Mama Annabelle Rama. At nakakalat sila kundi man sa GMA 7 ay sa TV5. Kaya naman halos hindi na siya magkandaugaga. Ang maganda kay Bisaya, tutok siya sa mga mina-manage niya. Hindi niya pinababayaan at sinisigurong lahat ay may trabahong ginagawa.
Ang laki na ng ipinagbago ni Bisaya, masayahin na at ‘di tulad noon na palaging mainit ang ulo.
***
Balik na naman pala ang musical show ni Megastar Sharon Cuneta sa TV. Pero hindi permanente. Baka habang isinasaayos pa ang pag-ere ng kanyang The Biggest Loser.
Samantala, kailangang pangatawanan na niya ang pagpapapayat kundi baka mas maging bagay sa kanya ang pagiging kalahok sa kanyang bagong programa kesa pagiging host nito. Kailangan niyang ma-inspire ang mga sasali sa The Biggest Loser at maging ang mga manonood.
Bakit parang ang hirap niyang pumayat ngayon? Dati naman ay nagawa niya ito. Tumaba rin siya pero, pumayat din. Tulad ni Judy Ann Santos, mahilig ding magluto si Shawee, at kumain din.
- Latest