Sen. Gordon 'natipuhan' ang ganda ni Marian
MANILA, Philippines - Three years ago pala ay binulungan ni dating senador at Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon si boxing champion Manny Pacquiao tungkol sa issue ng pagsusugal. “Oh balita ko nagsusugal ka. Matalino ka. Nagpapasuntuk-suntok ka tapos isusugal mo naman,” payong kapatid ng dating senador kay Pacman noon. Tumango naman daw ang boxing champion nang magkita sila sa isang out of town event three to fours years ago.
Nauungkat lately ang issue ng pagsusugal ni Pacman although walang ebidensiya kung totoong nagpatalo ito ng malaking pera sa Macau na maingay ngayong pinagtsitsismisan.
Wala namang masamang ibig sabihin si dating Sen. Gordon sa kuwento niya. Nabanggit lang ang tungkol kay Pacquiao sa gitna ng tsikahan with him sa isang very intimate interview para sa kanyang programa sa Aksyon TV5 na Duelo kung saan siya ang host na napapanood weeknights mula 7:00 p.m. hanggang 8:00 p.m.
Actually, ang daming magagandang kuwento ng dating senador na nakakatuwa dahil marami kang matutuhan sa kanya.
Nang tanungin naman siya kung sino ang paborito niyang aktres : si Marian Rivera ang nabanggit niya. “She looks good.”
At saka masang-masa naman pala si Sen. Gordon although parang elitista ang hitsura at mahirap kausap, pero hindi pala. Panay ang kuwento niya at madaldal sa maraming bagay katulad ng mga napapanood natin sa kanya sa mga TV noong pulitiko pa siya.
Kaya naman sa kanyang sariling programa ngayon, mas may tsansa na siyang magsalita ng mga saloobin tungkol sa mga nangyayari sa paligid natin – pulitikal, kalamidad, korupsiyon at maraming-marami pang iba.
Kilala sa pagiging straight forward ang dating senador, kaya sa kanyang programa, wala siyang sasantuhin. Bukod sa matapang na style ng pagpuna, marami rin puwedeng matutuhan sa panonood sa kanya.
“This gives me a chance to speak to people and develop their critical thinking. I also hope to bring out the right values that we Filipinos should be imbibing,” sa desisyon niyang tanggapin ang offer ng TV5 na panggasolina lang daw ang kanyang talent fee na walang tono ng reklamo nang sagutin niya ang tanong namin.
Dala sa programa ang mga karanasan niya sa mahabang panahon ng pagiging pulitiko, nagde-debate rin sila ng kanyang guest.
Dahil din sa Red Cross, nakilala siyang Father of Volunteerism.
Sa panahon niya bilang chairman nakalikom ng malaki ang Red Cross.
Bukod sa Duelo, meron din siyang programa sa radyo na Aksyon Solusyon on Radyo Singko 92.3 with Cheryl Cosim daily from 10:00-11:30 a.m.
***
Wala ngang dudang super super in love ang boxing champion na si Donito Donaire sa kanyang asawang si Rachel na isang US Military Teakwondo Champion. Kundi niya kasi hinahalikan ang asawa ay tinatapik-tapik habang katabi kahapon.
Nagkaroon kasi ng launching ang mag-asawa bilang endorser ng Mariko Skin and Body Centre sa Annabelle’s restaurant kahapon para sa skin care na super cheap ang halaga ng mga serbisyo.
At alam n’yo bang type pala ng kampeon sa boksing na magpa-body scrub as in sa buong katawan.
Siyempre babae raw ang gumagawa nito sa kanya.
Nagduda tuloy ang ilan na baka naman habang nagpapa-scrub siya eh nakabantay sa kanya si misis?
Pero hindi in fairness.
At sinabi rin kahapon ni Nonito na wala na siya sa Top Rank Promotions ni Bob Arum. Nasa Golden Boy Promotions na siya ni Oscar dela Hoya. Pero ayaw niyang idetalye ang kontrata dahil ngayon daw ay nanatili siyang freelancer.
May laban sana siya sa May 28, pero nagback-out ang makakalaban niya sabi ni Flash Donaire na may hawak na tatlong title sa boksing. Siya ngayon ang nasa ikatlong puwesto sa world ranking. Number 1 si Pacquiao.
Sa ABS-CBN pa rin mapapanood ang susunod na laban niya. At aminado si Rachel na mahirap sa kanila dahil hindi naman sila ang may control ng airing ng laban eh sa GMA Artist Center nakakontrata ang kanyang mister.
Mababait daw kasi sa kanila ang mga Kapuso.
Anyway, hindi pa natatagalan nang maging kontrobersiyal ang mag-asawa. Ito ay dahil sa umano’y banta nila sa sports media. Pero kinuwento ng mag-asawa na lumaki lang ang isyu.
Nakikiusap daw kasi sila noon kay Chino Trinidad na ‘wag nang ungkatin ang tungkol sa alitan nila at ng magulang ni Nonito na umano’y pera ang punu’t dulo/ Pero hindi raw sila tinatantanan ni Chino at gustong kunin ang reaction ni Rachel sa kabila nga ng pakiusap na ‘wag na munang pag-usapan dahil lalala lang ang issue at baka sa huli ay hindi na sila magka-ayos ng kanyang in laws. Pero hindi raw pinakinggan ang kanilang pakiusap na noon ay nasa kalagitnaan ng ensayo ang boksingero.
Ayon lumala na ang isyu.
Para sa mag-asawa, tapos na ang kuwento at marami silang natutuhan sa nangyari. Hindi rin daw nila ini-expect na sa sports circle pa pagpipiyestahan ang kuwento. Ang inaasahan daw nila ay sa showbiz ito iintrigahin.
Anyway, ang Mariko na ini-endorso ng mag-asawa bago pa natin makalimutan dahil sa mga intriga sa kanila ay Japanese franchise kung saan gamit nila ang latest technology na pampakinis ng balat at kung anu-ano pang pampaganda sa murang halaga as in hindi mabigat sa bulsa. Halimbawa, ang Triple-C Gluta Facial ay 99 pesos lang, mas mahal pa sa isang tasa ng kape.
Meron palang ganun.
- Latest