^

PSN Showbiz

Ethel Booba hindi pinaniwalaang buntis, anim na buwang anak nalagas

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Nahaharap ngayon ang komedyanteng si Ethel Booba sa isang malaking kontrobersiya dahil sa pagkakasangkot nito sa diumano’y pagsunog sa sariling condominium unit sa Timog, Quezon city noong isang linggo.

Ayon kay Ethel, lasing na lasing siya ng mga oras na naganap ang insidente at aksidente lamang ang nangyari.

Aming nakapanayam si Ethel para sa SNN (Showbiz News Ngayon) at mayroon siyang mga bagay na inamin na talaga namang ikinagulat namin.

Maraming trahedya ang nangyayari sa buhay ng komedyana ngayon. Katulad na lamang nang nabuntis siya ng kanyang Romanian boyfriend na si Marius. Nalaglag diumano ang baby boy na kanyang dinadala noong isang buwan.

“Nakakapagtampo ang situation, ’tapos mga friends ko, na wala pang one month na nalaglagan ako ng baby and six months na siya, lahat sila hindi naniniwala, lahat sila ‘Weeeh? ’Di nga?’ Ang sakit, wala kang suportang natanggap. So, ako pinipilit kong itago kasi nga ’di ba nagkaroon ng issue na hindi na ako magkakaroon ng anak?

“Iyon ’yung time na na-give up ko ’yung career ko para kay Alex (Crisano). So, kailangan kong panindigan. ’Yung boyfriend ko, si Marius, noong sinabi ko na pregnant ako, hindi siya naniwala. ’Tapos hanggang naging way ko para sabihin ko sa boyfriend ko kasi paalis siya pabalik ng Romania, umalis pa rin siya. So feeling ko mag-isa lang ako.

“’Tapos noong nalaglagan ako dahil naglipat ako ng condo, ako lang mag-isa, as in ako ang nagbubuhat lahat. Na-depress ako, parang feeling ko, pinagkakaisahan nila ako na baliw ako, na buntis ako. Kinimkim ko ’yung anim na buwan ’tapos nang humingi ako ng tulong noong nawala na ’yung baby,” emosyonal na kuwento ni Ethel.

Hinding-hindi makakalimutan ng komedyana ang mga dinanas niya noong buntis pa siya at malaking factor sa pagkakalaglag ng kanyang baby ay ang depression.

“Sobrang ako nagbubuhat ng lahat ng mga gamit. Tapos sumakit na lang bigla katawan ko. Two days akong nasa bed, hindi ako makabangon,” pagdedetalye pa ni Ethel.

Angelo sana ang ipapangalan niya sa kanyang baby kung nabuhay ito.

Nilinaw rin ni Ethel na hindi bakla ang kanyang boyfriend katulad ng mga naglabasang balita last week. Nasabihan lang niya ng “bakla” si Marius dahil nanggigil siya nang mag-away sila nito kamakailan.

Jm de Guzman nagkaroon ng magandang break

Mamayang gabi ay isang napapanahong kuwento ang mapapanood natin sa longest running drama series in Asia na Maalaala Mo Kaya (MMK).

Kakaibang role ang gagampanan ni JM De Guzman dahil nasangkot siya sa sindikato na pagpupuslit ng drugs sa ibang bansa. Magandang break ito sa young actor.

“Ako si Jay, isang OFW na nagoyo o nadaya ng isang sindikato sa drugs. Ito po ang una kong pagganap sa MMK, kaya sana po ay suportahan ninyo ako mga Kapamilya,” paanyaya ni JM.

Huwag na huwag nating palalampasin ang episode na ito at alamin kung paano naging drug courier o drug mule si JM. - Reports James C. Cantos

AKO

DE GUZMAN

ETHEL BOOBA

MAALAALA MO KAYA

MARIUS

REPORTS JAMES C

SIYA

TAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with