^

PSN Showbiz

Captain Barbell apat-apat ang babae

-

MANILA, Philippines –  Ang Pinoy na superhero, Captain Barbell, ay nagbabalik sa telebisyon sa katauhan ni Richard Gutierrez.

Ang exciting na pagbabalik ng bida ay mas magiging mainit dahil apat ang kanyang love interest sa muling paglipad — sina Lovi Poe, Michelle Madrigal, Isabel Oli, at Solenn Heussaff. Ang child star namang si Jillian Ward ang magiging cute na sidekick ni Captain Barbell bilang ang ampon ng katauhang si Teng.

Handa si Richard sa bagong buhay na role dahil una na niyang naisuot ang pulang kapa apat na taon na ang nakararaan. Sumunod pa ang mga baya­ning karakter sa Mulawin, Sugo, Asero, Kamandag, at Zorro. Pero iba ang da­ting ng Captain Barbell na Pinoy classic. Isinulat ito ng batikang si Mars Ravelo.

Tamang-tama naman ang pag­ka­­ka­gawa sa fantaserye na may tema sa pagpapahalaga sa kalika­san dahil isa ring environmentalist si Richard at naging TV host pa ng ilang special documentary drama sa Kapuso Network.

Makakasama ng aktor sa Captain Barbell na idinirek ni Dominic Zapata ang amang si Eddie Gutierrez (kakampi) at Christopher de Leon (kalaban). Kasama rin sa malaking cast sina TJ Trinidad, Bianca King, Sam Pinto, Mike Tan, Marky Lopez, Ces Quesada, Elvis Gutierrez, Paolo Paraiso, Akihiro Sato, Frencheska Farr, Bea Binene, Jake Vargas, Ellen Adarna, Ervic Vijandre, at Jon Hall.

AKIHIRO SATO

ANG PINOY

BEA BINENE

BIANCA KING

CAPTAIN BARBELL

CES QUESADA

DOMINIC ZAPATA

EDDIE GUTIERREZ

ELLEN ADARNA

ELVIS GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with