^

PSN Showbiz

Sarah pinagamit ng alcohol si Gerald para pantanggal ng laway

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Isang nakatatawang insidente pala ang nangyari sa shooting ng pelikula nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson na Catch Me, I’m In Love. Aksidente kasing natalsikan ng laway ni Sarah si Gerald sa isang eksena na kinukunan nang araw na iyon.

“’Yung nahulog siya, ’yung nasa kotse kami. Buti nga nangyari iyon kasi kumbaga ice breaker and simula noon mas naging magaan,” nakangiting pahayag ni Gerald.

Tawa nang tawa si Sarah nang ma­rinig ang naging pahayag ni Ge­rald. “Hindi ko nga kinukuwento dahil kahihiyan ko iyon! Hahaha! Oo, hiyang-hiya ako noon. Parang ang awkward na meron kang ka-face to face ’di ba? Especially si Gerald, lalaki iyan at saka si Gerald ’yan ’di ba? ’Yun nga sabi niya, parang naging ice breaker na rin ’yung tumalsik ’yung laway ko sa kanya. Hahaha! Kasi naman sobrang lapit namin, sobrang close eh natawa ako tapos tumalsik ’yung laway ko sa kanya. Hiyang-hiya talaga ako! Sabi ko ayaw ko na, nagpakuha ako ng alcohol,” natatawang kuwento naman ni Sarah.

Mapapanood na sa March 23 ang Catch Me, I’m In Love in more than 100 theaters nationwide.

Angelica idinemanda si Illac ng pambabastos

Idinemanda ni Laguna Provincial Board Member Angelica Jones si Illac Diaz.

Ito ay matapos ang diumano’y insidente ng pambabastos ni Illac sa kanya. Partners ang dalawa sa proyektong pagpapatayo ng bottled water classrooms sa San Pablo City. Kaugnay dito ay nasasangkot din ngayon si Angelica sa alegasyon ng katiwalian sa nasabing project.

“Ito ’yung sinampa kong demanda sa kanya, grave oral defamation. Ito pong demanda ko sa kanya is ’yung pambabastos, panghihiya sa akin sa maraming tao, pagmumura at panghuhusga at pagbibintang sa akin ng walang katotohanan, wala siyang katibayan. Bilang isang public servant na inihalal ng taong bayan sa Laguna, wala siyang karapatan para bastusin ako,” emosyonal na pahayag ni Angelica.

Rodjun Cruz pinag-awayan nina Bianca at Diane?

Lumabas kamakailan ang isyung inaway diumano ni Diane Medina si Bianca Manalo sa telepono.

Ito ay dahil sa pagiging close nina Bianca at ng kanyang boyfriend na si Rodjun Cruz.

Pinagselosan kasi ni Diane si Bianca lalo na noong magkasama pa ang dalawa sa teleseryeng Juanita Banana.

Ano nga ba ang totoong nangyari Rodjun?

“Kami ni Bianca, magkaibigan talaga kami kasi lumalabas talaga kaming cast ng Juanita Banana. ’Tapos si Diane naman magkakilala sila ni Bianca. Magkaibigan sila, parang nagtanong lang si Diane kay Bianca pero wala iyon, wala ’yung issue na parang away-away na ganun,” paglilinaw ni Rodjun.

Reports from James C. Cantos

BIANCA

BIANCA MANALO

CATCH ME

DIANE MEDINA

IN LOVE

JUANITA BANANA

RODJUN CRUZ

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with