Mader Ricky may bagong hair gloss
MANILA, Philippines - Maraming suki ng mga Gandang Ricky Reyes salon ang nagsasabing sa maraming tao’y di sila nagsasawang magpaayos dito dahil bukod sa magagaling ang mga beauticians ay lagi ring may bagong treatment na ino-offer.
Kamakaila’y inilunsad ang Hair Gloss na ngayo’y ginagawa na sa forty (40) salon ng beauty gurung si Mader Ricky sa SM Southmall at SM Marikina tampok ang grupong La Diva.
Nasa larawan ang La Diva (Aicelle Santos, Jonalyn Viray at Maricris Garcia) na makakasama rin ng Fil-Korean all female group na Point 10, Next Big Star finalist Anton Cruz at Camille Cortez, mga kandidata ng Ms. Philippines-Earth 2011 at Golden Sunset dancers sa Hair Gloss Launch sa SM Novaliches (March 18), SM Calamba (March 25) at SM North EDSA (April 1).
- Latest