^

PSN Showbiz

KC suportado ang pagso-showbiz ng isa pang kapatid sa tatay

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Nakamamangha ang relasyon nina KC Concepcion at ang kanyang half sister na si Garrie.

Sobrang close kasi ng dalawa kahit na magkaiba ang kanilang ina.

Katunayan ay mayroon daw mga pagkakataon na nagba-bonding sina KC at Garrie. “Garrie and I were together just nights ago. Magkasama kami with her friends, tapos ‘yung friends ko magkasama so medyo joined forces kami. We had like a girls night out na rin na masasabi,” nakangiting kuwento ni KC.

Ngayon ay tuluy-tuloy na ang pagpasok ni Garrie sa showbiz kaya naman suportado rin daw ni KC ang kanyang kapatid. “I know that she has so much to offer. It’s a lot of pressure to enter ‘yung teritoryo ng mga nauna sa iyo lalo na kapag kapamilya mo. I have so much support, so much advice, so many things to share with her as my sister,” pahayag pa ng aktres.

Samantala, labis naman ang pasasalamat ni KC sa lahat ng magandang reviews at feedback na kanyang natanggap sa pag-portray niya bilang si Angeline Quinto sa Maalaala Mo Kaya noong Sabado. “Thank you, sabi ko nga this is something for me. That is so meaningful to do dahil sa naghintay rin ako ng one year bago ako umarte ulit for TV. Natuto na rin ako in the last three years. Mas nakilala ko ‘yung sarili ko and siguro ‘yun nga sinasabi nila na kapag mas nakilala mo ‘yung sarili mo kung sino ka talaga. Doon ka makaka-portray ng ibang pagkatao, ibang character,” pagtatapos pa ni KC.

Dolphy natutuwa pag umaarte ang anak

Tuluyan na ring pinasok ng anak nina Zsazsa Padilla at Dolphy na si Zia ang mundo ng showbisness.

Very supportive mom si ZsaZsa Padilla sa kanyang anak at naroon daw siya palagi para tulungan ito. “Si Zia, tinutulungan ko ng konti ‘yung bata, namimili kami ng damit, stuff like that. Naninibago pa siya ganun, ang sabi niya I just want to sing, alam mo na, bata. Sabi ko ay ganyan din ako noong nag-umpisa, nang maging host ako, maging artista ako. You know doors will be open for you. I’m very happy na nabigyan siya ng ASAP ng opportunity,” pahayag ni ZsaZsa.

Talented si Zia kaya sigurado kaming magtatagumpay din ito sa kanyang pinasok na career.

Marunong si Zia na tumugtog ng gitara at magaling ding kumanta.

Sana ay mapanood din nating umarte ang dalaga sa mga darating na buwan. Natutuwa naman si Mang Dolphy sa tuwing napapanood sa telebisyon ang kanilang anak ng divine diva.

Maging si Karylle ay sobra rin daw ang suporta na ibinibigay sa kanyang half sister dahil super close daw talaga ng dalawa. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ANGELINE QUINTO

DOLPHY

GARRIE

GARRIE AND I

MAALAALA MO KAYA

SI ZIA

ZIA

ZSAZSA PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with