Marian nag-master ng martial arts
Isang buwan lang naman pala tatakbo ang comedy-horror series ni Marian Rivera. Pampalipas-oras habang hinihintay niya na masimulan ang Amaya na talaga namang napakalaking paghahanda ang ginagawa ng GMA7 bago ito simulan.
Kinakailangan niyang mag-undergo ng training sa martial arts dahil isa siyang guerrera sa serye. Mapapasabak siya sa maraming action scenes. Welcome naman kay Marian ang kakaibang role sa bago niyang palabas. It will show her versatility. Besides, tumatakbo pa rin naman ang kanyang sitcom with the Pambansang Kamao. Iniiwan man ito madalas ni Manny Pacquiao, agad naman niya itong binabalikan tuwing makakatapos siya ng training at laban. Never naman itong na-take for granted ni Manny kaya naman appreciated siya ng kanyang mga co-stars, lalo na si Marian.
* * *
Ipinamalas lamang ni Ruffa Gutierrez na isa lamang siyang normal na tao nang nagkaroon ng tsunami na sumunod sa napakalakas na lindol na naganap sa bansang Hapon. Sinabi ng mga taga-Philvocs na aabot ang tsunami sa bansa kaya pinalikas ’yung mga nakatira sa coastal areas.
Nasa Boracay si Ruffa nang maganap ang nakakatakot na kalamidad sa Japan. Sa takot nitong baka ganun kalaking tsunami rin ang makarating ng Pilipinas kaya agad itong nagpalipat sa mas mataas na palapag ng otel na tinuluyan niya.
Hindi ko naman masisisi kung inabot man ng takot si Ruffa. Wala namang hindi natatakot sa lindol at maging sa tsunami na sumunod dito. Lalo’t ganun ka-grabe ang nakita natin sa TV. Magdasal na lang tayo at ipamahala na lang sa Diyos ang buhay natin. It’s time we go back to Him, ang tagal-tagal na niya tayong hinihintay.
* * *
Ewan ko sa inyo pero okay lang sa akin na mag-guest sina Marian at Ogie Alcasid sa I Heart You Pare. Okay na maging dibersyon ng character ni Dingdong Dantes ang role na ginampanan ni Marian habang nalilito ang aktor sa feelings niya between the characters played by Regine Velasquez and Luanne Dy. Ewan ko lang kung ano ang magiging role ni Ogie. Tumanggap kaya itong muli ng role ng isang bakla? It has to be a gay character for him. Portraying a man will be too easy and ordinary.
No matter kung anong kumpetisyon ang ibigay ng mga kalaban sa I Heart You Pare, nagagawang imintina ng programa ang mataas nitong ratings, salamat sa napakalaking gay population ng bansa na nanonood ng series.
- Latest