Anne may sariling voice coach na
Noong isang linggo ay muling pumirma ng kontrata si Anne Curtis sa Viva Entertainment. Bukod sa mga pelikula na naka-line up for her sa nasabing kontrata ay nakatakda rin siyang gumawa at mag-release ng sariling album this year.
“By April start na ako mag-recording, basta in the meantime mag-voice coach muna ako. Bawal akong uminom ng malamig na tubig,” nakangiting pahayag ni Anne.
“Alam ko ’di ako puwedeng sumabak lang. Kailangan may professional na mag-guide sa akin para kahit paano ’di ba?”
Very exciting ang album na gagawin ni Anne dahil magkakaroon sila ng duet dito ng kanyang ex-boyfriend na si Sam Milby.
“Isa na siya sa artistang kasama ko but of course I have to write properly, and formal letter to his management to see if it will be allowed. Hopefully sana payagan siya. Feeling ko this is what Sam and I owe to our fans everyday nagti-tweet, sa SNN (Showbiz News Ngayon), sa The Buzz laging humihingi na mag-MMK (Maalaala Mo Kaya) kami, teleserye or movie. So ngayon, I don’t think mangyayari ’yun, so at least, I can make a way for them to be happy,” kuwento pa ng aktres.
Ayon pa kay Anne, mayroon siyang pasabog na guest at dapat abangan ng lahat sa kanyang album.
Samantala, suportado naman ng buong pamilya ni Anne ang kanyang recording career. Full support din ang kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff.
“Very supportive, ti-next niya ako, ‘I will buy many copies and give them for Christmas gifts.’ So, sure na may bibili,” natatawang kuwento pa ni Anne.
Sen. Ramon Revilla pinagawan ng gallery
Kamakailan ay nag-celebrate ng kanyang 84th birthday si Ramon Revilla, Sr. sa Cavite. Dinaluhan ito ng buo niyang pamilya at mga kaibigan kaya naging emosyonal ang dating senador.
Naging part ng celebration ang pagpapatayo ng monumento ni Ramon at pagbubukas ng MemoRevilla gallery bilang pagpupugay sa lahat ng kontribusyon niya sa showbiz at pulitika.
“Ang monument of love ay gawa ni Mr. Ed Castillo. Siya ang napili namin kasi una sa lahat, national artist siya at taga-rito siya sa Cavite. Kasabay nito ang pagbubukas ng coffee shop at mini-gallery ng father-in-law ko,” pahayag ni Congresswoman Lani Mercado.
“Ito ang napag-usapan naming magkakapatid, siyempre ano pa ba puwede naming iregalo sa aming ama? Nasa kanya na lahat, ito ’yung isang bagay na hindi niya makakalimutan para maibigay kumbaga habang nabubuhay siya at lahat naman ng tao ay may hangganan. Nandiyan ang kanyang memories at nandiyan magpakailanman,” seryosong pahayag naman ni Sen. Bong. — Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest