^

PSN Showbiz

'Galit' ni Cesar kay Teresa binuking ni Ruffa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Naaliw ako kay Ruffa Gutierrez sa Paparazzi kahapon dahil hindi sinasadya na binigyan niya ng pangalan ang blind item tungkol sa ex-lovers na may isyu, porke ayaw ng mhin na pag-artistahin ang kanilang love child.

Binanggit ni Ruffa ang pangalan na Diego kaya buking na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga ang subject ng blind item.

Ang tsismis, ayaw ni Cesar na pumayag na pumasok sa showbiz ang anak nila ni Teresa. Mas type ni Cesar na tapusin muna ni Diego ang pag-aaral nito. Diumano, si Teresa ang pursigido na mag-artista ang bagets.

Kung ako ang tatanungin, pabor ako sa desisyon ni Cesar dahil kung mag-aartista si Diego, baka tamarin na itong mag-aral. Paano pa siya makakatapos ng high school at college?

Responsible father si Cesar kaya hindi believable ang mga tsismis na hindi siya nagbibigay ng sustento sa anak nila ni Teresa. Menor de edad si Diego at bilang ama, may karapatan si Cesar na protektahan ang kanyang mga anak. Dapat igalang ang posisyon at desisyon ni Cesar bilang magulang.

Nonito Jr. napigilang umiyak

Matapos mag-guest ng live sa Startalk noong Sabado, umapir uli kahapon sa Showbiz Central ang mag-dyowang Nonito Donaire, Jr. at Rachel.

Touching ang guesting nina Nonito Jr. at Rachel dahil may live phonepatch interview kay Nonito Sr. mula sa California.

Hindi na umiyak si Nonito Jr. pero kitang-kita sa kanyang mukha ang kaligayahan na nararamdaman dahil narinig niya ang boses ng ama.

Hindi raw katulad dati na natatakot siya dahil sa kanilang mga misunderstanding. Dalawang taon ang itinagal ng iringan ng mag-ama at ngayong bati na sila, parehong happy sina Nonito Sr. at Jr.

Asahan natin na panonoorin na ni Nonito Sr. ang susunod na laban sa Las Vegas ng kanyang anak. Muling aakyat si Nonito Jr. sa boxing ring sa May 28.

Tito Sotto muntik mabiktima ng bundol gang

Muntik nang maging biktima ng bundol gang si Senator Tito Sotto pero hindi natuloy ang raket ng mhin dahil natakot ito nang mamukhaan niya ang kanyang bibiktimahin.

Nagpanggap ang hindi kilalang mhin na nabangga siya ng minamanehong sasakyan ni Tito Sen. 

I’m sure, naloka ang kriminal nang ma-sight niya ang face ni Tito Sen dahil biglang nagbago ang kanyang script. Siya pa ang nag-sorry sa TV host/senator at nagmamadaling umalis.

Naloka at natakot ang baliw na kriminal dahil alam nito na buking ni Tito Sen ang kanyang drama. Kung ipinagpatuloy niya ang masamang balak, siguradong sa kalaboso ang kanyang bagsak.

Amy Austria may magagandang opinyon para sa nanay ni Sarah

Dapat makausap ni Divine Geronimo si Amy Austria dahil magaganda ang opinyon nito tungkol sa pakikipagrelasyon ng mga bagets.

May anak na dalaga si Amy na nag-aaral sa New Zealand pero cool mom si Esmeng dahil hindi siya mahigpit sa lovelife ng bagets.

Hindi nagkukulang sa pangaral si Amy sa kanyang anak na si Alexandra pero hindi rin niya pinagbabawalan na makipagkaibigan o magpaligaw ang bagets.

Maganda ang mga katwiran ni Amy. Kahit cool mom siya, malaki ang respeto sa kanya ni Alex. Naniniwala si Esmeng na hindi dapat hinihigpitan ang mga kabataan para hindi sila magrebelde sa kanilang mga magulang. Alam ni Amy ang kanyang mga sinasabi dahil lahat tayo ay dumaan sa pagiging teen-ager.

Hindi ko kinukuwestyon ang pagiging over-protective ni Divine kay Sarah dahil type ko ang pag-aalaga niya sa kanyang anak pero maganda rin na mabigyan ng kahit konting freedom ang aking favorite singer-actress.

vuukle comment

AMY AUSTRIA

DAHIL

KANYANG

NONITO

NONITO JR.

NONITO SR.

TERESA

TITO SEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with