^

PSN Showbiz

Dahil sa tsunami alert, Ruffa nag-panic sa Bora!

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Para talagang gaga si Ethel Booba. Imagine sinunog niya ang ilan sa mga gamit nila sa nirerentahan niyang condo sa Quezon City matapos daw nitong madiskubreng bakla pala ang Norwegian boyfriend niya? Kaya ang ending, kinasuhan siya ng arson.

Ayon sa mga online reports na lumabas kahapon, magulo pa raw ang sagot ni Ethel sa mga imbestigador.

Ano na nga bang nangyari kay Ethel Booba? Ang huling balita sa kanya ay nang sumali siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Showdown.

Ang payat na rin ng hitsura niya at parang hindi siya ang dating Ethel Booba na kinaaliwan ng mga tao sa pagpapatawa.

* * *

Grabe ang nangyaring lindol at tsunami sa Northern, Japan kahapon. Parang eksena sa pelikula ang mga napanood natin kahapon sa CNN at ANC. Parang feeling ko nga nanonood ako ng disaster movie dahil sa nangyari.

Sobra, kung wala sigurong live coverage ang 8.9 earthquake at tsunami sa Japan, iisipin mong eksena ‘yun sa pelikula.

Hindi ko napanood ang pelikulang 2012 na ipinalabas noong 2009, isang American science fiction disaster film directed by Roland Emmerich starring John Cusack, Chiwetel Ejiofor, Amanda Peet, Oliver Platt, Thandie Newton, Danny Glover and Woody Harrelson, pero ’yun ang naalala ko. Sabi kasi ng mga nakapanood, pinagsama-sama na sa nasabing pelikula ang mga iba’t ibang disasters as in end of the world na sa 2012 ang kuwento ng pelikula.

Pero siyempre, mas powerful ang dasal. Kailangan lang natin ng mara­ming dasal lalo na ngayong pati sa Pilipinas ay may tsunami alert kesa sa takot sa nangyari sa Sendai, ang capital ng Honshu island’s Miyagi Prefecture na hinagupit ng tsunami kung saan merong 1 million na population na as of 7:45 p.m. sa report ng Reuters, 44 na ang patay at marami pa ang nawawala.

Samantala, mga 7:30 p.m. kagabi ay nag-tweet si Phil Younghusband na kasalukuyang nasa Japan kasama ang buong team Azkals para sa kanilang training.

“No signal on phones because of the earthquakes. Experienced an earthquake during our game today. Don’t know if we will leave tomorrow:(“

Nasa Fukushima, Japan ang buong Azkals.

Si Ruffa Gutierrez na kasalukuyang nasa Boracay ay natakot nang mabalitaan ang tsunami alert kaya nag-tweet agad : “Because of the Tsunami alert in the Philippines, I just moved 2 floors higher. Its better to be careful than sorry.”

Si Miriam Quiambao din na nasa Bora ay nag-update : “Red flags have been positioned by the beach here in Boracay. We have to be vigilant and make sure no one is hurt.”

AMANDA PEET

AZKALS

BECAUSE OF THE TSUNAMI

BORACAY

CHIWETEL EJIOFOR

DANNY GLOVER

ETHEL BOOBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with