My Lover, My Wife nagpakitang-gilas sa pilot week
MANILA, Philippines - Pinatunayan ng My Lover, My Wife ng GMA Network na matatag ito sa ratings game dahil unang linggo pa lang ng airing ay nanguna na ito.
Nakapagtala ng 44.3% household shares (base sa overnight ratings) ang My Lover, My Wife sa National Urban Philippines mula Pebrero 28 hanggang Marso 4 ayon sa Nielsen TV Audience Measurement. Natalo ng show ang pinakamahigpit nitong rival program na nakatamo ng 26.9% viewership sa parehong time slot.
Sa Mega Manila, halos triple ng share points ng kalaban ang share points ng My Lover, My Wife. 52.1% ang household shares ng Kapuso series samantalang 19.2% lamang ang sa kalabang istasyon.
Inaasahang mapapanitili, kung hindi man malampasan, ng TV series ang performance nito sa pilot week lalo na’t maraming twists na mangyayari sa istorya.
Saksihan ang kung paanong ang tunay na pag-ibig ay nabigyan ng kakaibang pangalawang pagkakataon. Panoorin ang My Lover, My Wife Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Nita Negrita sa GMA Dramarama sa Hapon.
ANDREW E, BLAKDYAK, GO GIRLS, AT JAYCEE PARKER makikisaya SA SEASPORTS FESTIVAL
Ang kilalang Viva Hot Babe na si Jaycee Parker, kasama ang sumisikat at maalindog na Go Girls, at ang batikang mga rapper na sina Blakdyak at Andrew E ang magtatanghal sa awarding ng Manila Bay Summer Seasports Festival, na gaganapin sa ika-13 ng Marso, alas-siyete ng gabi sa Baywalk.
Handog ng Manila Broadcasting Company at ng Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang Manila Bay Summer Seasports Festival ay magsasagawa ng mga labanan sa Dragon Boat Racing at stock/formula races ng mga bangkang de-motor.
Ilan sa mga koponang kalahok sa Dragon Boat Mixed-Open championships ay ang Camarines Sur Dragon Boat team, Philippine Navy, Drago Pilipinas, Manila Dragons, Triton, One Piece Drakon Sangress, De La Salle University, University of the Philippines, San Beda College, Manila Blazing Paddles, Manila Ocean Park, Rowers Club Philippines, Maharlika, PYROS, Accenture, Aqua Fortis, Blue Phoenix, Cebu Dragons, Onslaught Racing Dragons, Rogue Pilipinas, at dalawang beses na’ng kampeyon na PDRT Fireblades
Lalahok din ang mga batikang bangkero mula Cebu, Iloilo, Ilocos Sur, La Union, Cavite, Quezon, Batangas, Bulacan, Surigao, Mindoro, Leyte, Aklan, Navotas, at Tondo.
Haka-haka sa Child Killings sa Valenzuela, hihimayin
May kumakalat na balita ngayon sa buong Valenzuela na may mga bata diumanong dinudukot sa kanilang lugar at matatagpuan na lamang na malamig ng bangkay.
Nakakaalarma ang balitang ito at ang mas nakaririmarim pa, ang mga biktima raw na kadalasa’y malulusog na batang nasa edad 10 hanggang 12, ay matatagpuang wala na ang lamang-loob at may nakasalpak na pera sa uwak nitong tiyan.
Kamakailan ay nahuli ng Valenzuela police ang nagkakalat ng balita at hindi pa kumpirmado kung totoo nga ang mga sabi-sabi at usapan sa nasabing syudad.
Nang tanungin ang estado ng krimen sa nasabing lugar, napag-alamang maraming bata nga ang nawawala mula sa iba’t -ibang barangay sa Valenzuela at hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy ang sanhi ng nasabing kaganapan.
Dalawa sa sinasabing nakatakas diumano sa dumukot sa kanila ay sina Kaye at Gerald, pawang 11 taong gulang.
Sila na kaya ang makakabasag sa katotohanan sa likod ng haka-hakang ito? Ano ang kanilang naging karanasan sa sinasabing dumukot sa kanila?
Hihimayin ni Ted Failon ang misteryo sa kuwentong ito ngayong Sabado (Mar 12), 5:30 PM, pagkatapos ng Kapamilya Cinema Blockbusters sa ABS-CBN.
- Latest