^

PSN Showbiz

Karylle, Sam Concepcion, at kabayan tatakbo!

- Ni KC -

MANILA, Philippines - Makikitakbo ang mga pambato ng ASAP Rocks na sina Karylle at Sam Concepcion sa fun run ng DZMM na Takbo Para Sa Karunungan ngayong Linggo (Mar 13), 5:00 a.m. sa Quirino Grandstand sa Lungsod ng Maynila.

Kasama rin nilang tatakbo ang mga anchor ng DZMM na sina Noli “Kabayan” De Castro, Winnie Cordero, Gerry Baja, Richard Steele, Vic Lima, Cory Quirino, Ahwel Paz, Gretchen Fullido, Ariel Ureta, Jobert Sucaldito, Jasmin Romero, Carl Balita, Francine Prieto, Bobby Yan, Jing Castañeda, Sol Aragones, at si ABS-CBN Manila Radio Division Head Peter Musngi.

Darating din ang mga mang-aawit na sina Miguel Mendoza, Cris Pastor, at Yael Yuzon ng Sponge Cola at ang theater actor na si Marc Manalac.

Hindi magpapahuli ang dalawang artista at DZMM anchors sa libu-libong mananakbo na lalahok para masuportahan ang pag-aaral ng 25 batang iskolar mula sa Metro Manila, partikular ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Ondoy.

Ika-labindalawang taon na ito ng taunang fun run ng DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo, ang nangungunang AM radio station at cable news channel sa bansa.

Sumama sa DZMM Tak­bo para sa Karunu­ngan ngayong Linggo (Mar 13), 5am sa Quirino Grand­stand. Bisitahin lang ang www.dzmm.com.ph o tumawag sa Takbo secretariat sa 415­2272 local 5674, 5641, 5632, 5603, at 5638 para sa mga detalye.

AHWEL PAZ

ARIEL URETA

BOBBY YAN

CARL BALITA

CORY QUIRINO

CRIS PASTOR

DE CASTRO

DZMM

FRANCINE PRIETO

GERRY BAJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with