Portrait ni Marian sa Vantage exhibit binili ni Dingdong
May sighting kina Dingdong Dantes at Marian Rivera last Sunday sa Café 1771 sa El Pueblo sa Ortigas Center. Sinamahan ng actor ang GF na nag-ninang sa bunsong anak ni Benjie Paras na naging close sa dalaga mula nang magkasama sila sa Show Me Da Manny.
Tinapos muna ni Dingdong ang Party Pilipinas saka sinundo si Marian gamit ang sportscar niyang yellow Corvette. Gandang-ganda kami sa sportscar ng actor na ginagamit pag nagre-report siya sa taping ng I Heart You Pare.
May nagtsika rin sa amin na binili ni Dingdong ang portrait ni Marian sa Vantage exhibit ni Marc Nicdao. Nadagdagan na naman ang koleksiyon nito ng photos ng GF, no wonder kilig-kiligan na naman ang aktres dahil muling pinatunayan ng BF kung gaano siya kamahal nito.
Samantala, hinihintay na ng DongYan fans ang guesting ni Dingdong sa pilot episode ng Ang Spooky Mo Presents…Bampirella, kung saan featured si Marian for one month. Sa March 26 ang pilot nito.
* * *
This week na raw pipirma ng kontrata sa TV5 si Wendell Ramos at hindi na siya maghihintay ng matagal para magkaroon ng show dahil ipapasok siya sa Babaeng Hampaslupa, pero ‘di pa namin alam ang magiging role. Sa Mga Nagbabagang Bulaklak daw sana isasama ang actor, kaya lang sa March 21 pa ang pilot noon, samantalang ang Babaeng Hampaslupa ay tumatakbo na.
Bagong dagdag din sa cast ng Babaeng Hampaslupa si Eddie Garcia na matagal ding naging Kapuso talent.
Pipirma na rin daw ng kontrata sa TV5 si Joey Marquez at abangan natin kung anong show ang ibibigay sa kanya.
Aba, dumarami ang Kapatid talent ha!
* * *
This Tuesday na pipirma ng three-year exclusive contract sa GMA Network at GMA 7 si Isabelle Daza. Hopefully, malaman natin ang mga show na ibibigay sa kanya ng network at kung kailan siya magsisimulang mag-host ng Party Pilipinas.
Dadaan muna ng intensive acting workshop si Isabelle bago bigyan ng acting project, and by April, baka ready na ito. Tama ba ang tsika sa aming remake ng isang hit movie ang una nitong gagawin?
‘Katuwa ang tsika sa Twitter ni Isabelle na kung ang inang si Gloria Diaz ang nasunod, Esmeralda ang gusto nitong pangalan niya. Masaya siya na ang dad niyang si Bong Daza ang nasunod at ang bigay nitong pangalang Isabelle ang naging pangalan niya.
Kasabay ni Isabelle na pipirma ng kontrata sa GMA Network si Andrea Torres na kundi kami nagkakamali’y galing sa ABS-CBN. Napapanood na siya sa mga pelikula ng GMA Films bago pa maging Kapuso talent.
- Latest