^

PSN Showbiz

Kaya out na sa TV version, original 'Bagets' hindi kinaya ang tf

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

‘Kaaliw ang one-liner statement ni Maricel Soriano sa tsismis na nasa basement siya ng isang hospital (hindi tinukoy kung saan). Sa halip na magalit, nag-dialogue ang Diamond Star ng “Wala ako sa basement, nasa penthouse ako.”

Hindi ba very Maricel ang dialogue? Siguro ang tinukoy nitong penthouse ay ang unit niya sa isang expensive condo sa Makati City. Pero bago ang reaction ng aktres sa tsismis, nag-deny na ang manager niyang si Malou Choa-Fagar tungkol dito.

Nakikita rin ang mga pictures ni Maricel sa Facebook account ng isa niyang kapatid at sa mga litrato, she’s looking good at masaya. Nami-miss lang siguro si Maricel, kaya may kumalat na ganung tsismis.

* * *

Parehong kaibigan ni Richard Gomez sina Willie Revillame at John Estrada, kaya ang tanong sa aktor nang ma-interview namin para sa Mga Nagbabagang Bulaklak ay kung gagawa ba siya ng paraan para magkabati ang dalawa?

“May kanya-kanya silang rason para mangyari ’yun. Ako ang paniwala ko, hayaan muna natin sila, para sila ngayong malabong tubig, pero lilinaw din at maaayos din sila. Let’s give them time. I tried asking Willie kung pupunta sa wedding ni John at hindi ang sagot. You have to respect his decision,” sagot ni Richard.

Samantala, ang Artist Station ni the late Wyngard Tracy pa rin pala ang nagma-manage ng career nina Richard at Cong. Lucy Torres-Gomez. Sila ang kinausap ng TV5 nang i-offer sa aktor ang role ni Mr. A sa Mga Nagbabagang Bulaklak na ang peg ng karakter ay isang sikat na network executive.

Sa March 21 na ang premiere ng drama serye sa direction ni Jon Red.

* * *

Out na pala sa cast ng TV version ng Bagets sina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Raymo­nd Lauchengco, Yayo Aguila, Eula Valdez, at iba pang original cast ng movie. Sayang nga dahil pati si Aga Muhlach, puma­yag nang magkaroon ng special partici­pation bilang kasama sa original cast ng movie.

Talent fee ang isa sa mga rason kung bakit nagdesisyon ang Viva Entertainment na co-producer ng TV5 na alisin na lang ang mga na­banggit. Hindi ibinigay ng Viva ang asking TF ng isa sa mga pangalan at para hindi na lang sila mamroblema, tsinugi na lang sila pare-pareho.

Sina Angelu de Leon at Bobby Andrews ang dalawa sa kinuha ng Viva Entertainment na ipalit sa grupo nina Bistek. Ang alam namin, nasa Mara Clara si Bobby. Payagan kaya siya ng ABS-CBN na lumabas sa TV5?

* * *

Marami ang naintriga sa tweet ni Raymond Gutierrez tungkol kay Direk Rico Gutierrez na nag-resign na director ng Party Pilipinas at last day na niya kahapon.

Ano kaya ’yung binanggit ni Raymond na “He has taken a stand and resigned from the show.”

Sa nabasa naming tweet ng mga taga-Party Pilipinas, sa harap ng camera at ’pag nagpi-perform lang masaya ang mga performers dahil backstage, malungkot ang lahat. Ang pinanghahawakan ng mga supporters ni Direk Rico ay ang tweet na “No goodbye just ‘see you soon.’”

Teka, sa PP lang kaya nag-resign si Direk Rico at siya pa rin ang director ng Showbiz Central?

AGA MUHLACH

ARTIST STATION

BOBBY ANDREWS

DIAMOND STAR

DIREK RICO

MARICEL

MGA NAGBABAGANG BULAKLAK

PARTY PILIPINAS

VIVA ENTERTAINMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with