^

PSN Showbiz

Gusto nang mag-try ng invitro fertilization, Goma gustong magkaanak ng kambal

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi lang pala si Eula Valdez ang balik-ABS-CBN via remake ng Mula Sa Puso dahil pati si Ariel Rivera ay balik-Kapamilya network na rin sa nasabi pa ring soap. Hindi pa lang alam kung ano ang magiging role ng husband ni Gelli de Belen.

Nauna rito, in-offer ng TV5 si Ariel para isama sa Babaeng Hampaslupa sa role ng real dad ni Stephanie (Karel Marquez). May offer din ang GMA-7 para isama sa cast ng Amaya na hindi rin nito natanggap dahil sa Mula sa Puso.

* * *

Sa GMA-7 namin unang narinig ang concept ng soap tungkol sa mga dancer, pero naunahan sila ng TV5 dahil tungkol din sa buhay ng mga dancer ang tema ng dramaserye nilang Mga Nagbabagang Bulaklak na this March na ang airing.

Leading man nina Ruffa Gutierrez, Valerie Concepcion, at Sheryl Cruz si Richard Gomez na binanggit kung sinong network executive ang pinagbasehan ng karakter niyang si Mr. A,. pero ayaw ipasulat at baka mag-react.

Balik-drama rito si Richard na matagal na niyang hindi ginagawa, kaya looking forward sa mga eksena niya. Wife niya rito si Ruffa at kabit sina Valerie at Sheryl at mga anak niya sina Carla Humphries at Arci Mu­ñoz.

Samantala, very proud si Richard sa asawang si Cong. Lucy Torres-Gomez dahil masipag sa trabaho at masipag maghanap ng project for her district. Kahit first timer sa Kongreso, napili itong Assistant Majority Floor Leader at suportado niya ito sa muling pagtakbo sa next election.

Nabanggit din ni Richard na anti-RH bill ang asa­wa.

 “Pareho sila ng stand ng church, may portion sa bill tungkol sa abortion na kung aalisin, baka magbago ang stand niya. Ayaw din ni Lucy ng invitro fer­tilization dahil ang belief niya, ang ‘di napipiling fer­tilized eggs na itatapon ay may buhay na rin. Pero ako, gusto ng invitro at ok sana kung kambal para tatlo na ang babies namin.”   

* * *

Walang galit at naiintindihan pa nina Moi at Solenn Heussaff kundi tinupad ni Akihiro Sato ang pangako nito sa Survivor Philippines: Celebrity Show­down na ‘pag siya ang nanalo ay bibigyan niya ang pumasok sa Top 5 ng either iPad o iPhone.

Sabi ni Moi sa presscon ng Magic Palayok, “Sinabi ni Solenn na ‘wag nang umasa, wala akong tampo, dedma na lang. Bumili na lang ako ng iPad, gift ko sa sarili ko.”

Say naman ni Solenn sa interview sa Fashbook, wala pa rin siyang natatanggap na iPad from Aki at ang alam niya, bumili ng Pajero ang binata.  

vuukle comment

AKIHIRO SATO

ARCI MU

ARIEL RIVERA

ASSISTANT MAJORITY FLOOR LEADER

BABAENG HAMPASLUPA

CARLA HUMPHRIES

CELEBRITY SHOW

EULA VALDEZ

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with