GMA Network dinayo ang Western Visayas at Southern Mindanao!
MANILA, Philippines - Dinayo ng GMA Network, bitbit ang mga pangunahing bituin at mga personalidad nito, ang iba’t ibang mga festivals at kasiyahan sa iba’t ibang panig ng bansa, kung kaya naman isa na namang napaka-busy na weekend ang dumaan para sa Kapuso Network at Regional Team nito.
Ang mga Kapuso stars ay nakisaya at nakipagdiwang sa katatapos lamang na Paraw Regatta, Bago City Charter Day, Bayawan City, at Kalilangan Festival 2011 na idinaos sa Iloilo City, Negros Occidental, Negros Oriental at General Santos City.
May 15,000 katao ang dumayo para makisaya at maki-party sa resident Bad Boy on the Dance Floor ng Party Pilipinas na si Mark Herras; ang isa sa mga hunks ng Bubble Gang na si Wendell Ramos; at ang isa sa mga leading ladies sa panibagong Kapuso soap na My Lover, My Wife, na si Nadine Samonte.
Samantala, sa Bayawan City, Negros Oriental, ang mga bituin ng Kapuso primetime fantaserye na Dwarfina at Party Pilipinas ang magkatuwang para mas pasayahin at pabonggahin ang taunang pagdiriwang ng Tawo-Tawo Festival.
Mahigit sa 10,000 katao ang dumumog sa venue.
First time na mag-participate ng Kapuso Network sa naturang festival at tuwang-tuwa naman sila sa napakainit na pagtanggap sa kanila ng mga taga-Bayawan.
Samantala, sa Charter Day celebration naman ng Bago City na idinaos sa Bago City Public Plaza, ang mga pangunahing bida naman sa obra ni Pablo S. Gomez na Machete ang bumida nang lumabas si Aljur Abrenica sa stage, tilian to the max ang mga kababaihan sa audience.
Ayon sa Kabalikat Civicom Group, mayroong 15,000 to 20,000 katao ang dumayo sa Kapuso Night!
Matapos sakupin ang Western Visayas, lumipad naman ang Kapuso contingent sa tuna capital ng bansa – ang General Santos City, para sa Kalilangan Festival.
Pinangunahan nina Mark Anthony Fernandez, Katrina Halili, Maureen Larrazabal, at Will Devaughn ang Kapuso Night na idinaos sa convention center ng KCC Mall of Gensan.
May 4,500 na katao ang dumalo sa Kapuso Night.
Maliban sa partisipasyon nito sa mga festivals, dapat ding antabayanan ang mga mall shows kung saan tampok ang iba’t ibang programa, artista’t, personalidad ng GMA Network. Asahang rarampa ang mga ito sa mga pangunahing lungsod at iba’t ibang bayan ng bawat parte ng bansa.
- Latest