Baguhang aktor pinaasa ang TV5
Madi-disappoint ang maraming fans ng Korean actor na si Yoon Si Yoon, gumaganap na Kim Tak Gu sa The Baker King dahil hindi tuloy ang pagbisita nito sa ’Pinas. March 3, sana ang dating ng 25-year-old Korean actor pero nakansela ito sa hindi pa naming alam na kadahilan.
Ang sabi lang, nag-cancel at ang dating sa amin ay ang management ng Korean actor na Taxi Entertainment ang nagkansela. Kagagaling lang ni Yoon Si Yoon sa Thailand for a video/photo album shoot.
Sikat na sikat si Yoon Si Yoon sa mga viewers ng The Baker King at mas kilala siyang Tak Gu. Gustong alamin ng mga fans kung may chance pang matuloy ang pagbisita rito ng Korean actor.
***
Bongga ang next soap ni Kim Chiu sa ABS-CBN dahil may mga eksenang kukunan sa Beijing, China. Narinig naming last week ng March ang alis nito at ibang cast na makakasama niya sa eksena.
Kundi kami nagkakamali, ito ’yung Binondo Girl project at siya na talaga ang bida, hindi gaya sa Minsan Lang Kitang Iibigin na special participation lang siya as the young Lorna Tolentino.
Hindi pangalan ni Gerald Anderson ang narinig naming makakapareha rito ni Kim at sana tanggapin ng fans nila sinuman ang makakapareha ng young actress.
***
Ginanap last Monday ang storycon ng Sisid at kasunod nito ang taping schedule, so tuloy pa rin ang project tungkol sa mga pearl divers na siyang role nina Jackie Rice, JC Tiuseco, Ian Batherson, at Dominic Roco.
Ang Sisid ang ipapalit sa My Lover, My Wife na nine weeks lang eere dahil sumingit lang ang project na ito nang hindi agad masimulan ang taping ng Sisid dahil hindi pa masyadong marunong lumangoy si Jackie.
Ngayong nagka-storycon na, mababawasan na tiyak ang disappointment nina Dominic at Ian na na-tweet ang frustration nang ma-delay ang project. Understandable ang reaction ng dalawa kasi first time nilang magbibida tapos naantala pa, pero ngayon tuloy na ang soap na pagandahan ng katawan ang mga lalaki.
***
Inikot muna ng male newcomer na ito ang three big networks bago nag-decide kung saan siya pipirma. Napanood siya sa mga shows ng ABS-CBN, pumunta sa GMA 7, at ang huling stop ay sa TV5.
Handa na ang TV5 na i-launch siya at kasama siya sa cast ng TV version ng Bagets nang biglang tumawag sa istasyon ang manager ng bagets para sabihing sa ABS-CBN sila pipirma ng kontrata.
Nagulat ang mga taga-TV5 dahil buong akala nila, sa kanila ito pipirma ng kontrata, pero mas pinili nitong maging Kapamilya talent.
- Latest