GMA nagdaos ng luncheon para sa advertisers
MANILA, Philippines - Nagdaos kamakailan ng luncheon ang GMA Network, Inc. (GMA) para sa trade partners nito upang pasinayaan ang mga natatanging programa mula sa Entertainment at News and Public Affairs at ipagdiwang ang nationwide ratings dominance nito.
Nakatakdang maging mas agresibo pa ang GMA sa mga darating na buwan sa multimedia platforms nito – mula telebisyon hanggang radyo hanggang online.
Noong Lunes nagsimula na ang kauna-unahang free-to-air all-news channel. Tinatawag na GMA News TV, ang news channel ay pinangunahan nina Jessica Soho, Mike Enriquez, Mel Tiangco, Arnold Clavio, Vicky Morales, at Howie Severino.
Ang online counterpart ng GMA News and Public Affairs, GMA News Online (na may URL www.GMANews.TV <http://www.gmanews.tv/> ), binansagan bilang “go-to portal for Filipinos everywhere”, ang madalas na nangunguna sa pagbabalita. Pinapatakbo ito gamit ang multimedia content (i.e. news videos mula sa TV and livestream mula sa Radio), at may iba pang inobasyon tulad ng news browser at election dashboard.
Ang GMA Radio business unit naman ay maghahatid ng mas pinatibay na AM at FM programming sa Super Radyo DZBB 594 at Barangay LS 97.1.
Nagpahayag ng pananabik si GMA Marketing and Productions, Inc. (GMPI) President and COO Lizelle Maralag dahil sa overwhelming approval ng trade dahil sa efforts ng GMA.
Dumalo sa nasabing pagtitipon sina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, GMA President and COO Gilberto R. Duavit, Jr., GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar, SVP for Corporate Services Group and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, SVP for Entertainment TV Wilma V. Galvante, SVP for Radio Operations Group Mike Enriquez, at iba pang Network officers at maraming Kapuso stars.
- Latest