Tatlong Pinoy wagi sa Oscars
MANILA, Philippines - Marami ang natuwa nang manalo sa kategoryang best live action short film sa 2011 Oscars ang pelikulang God of Love. Pinay kasi ang producer nito at dating naging host sa Eat Bulaga, si Stefanie Walmsley.
Pero ang dalawa ring kasama ni Stefanie na nag-produce ng God of Love ay mga Pinoy din. Sina Stephen Dypiangco at Gigi Dement ang kasamang gumawa ng 18-minute short film sa direksiyon ni Luke Matheny na tungkol sa isang expert dart-thrower na naghahanap ng pag-ibig.
Malalaki at mabibigat ang mga napabilang sa listahan ng 83rd Academy Awards na ginanap nung Linggo ng gabi sa Kodak Theater, California. Ang maging nominado pa lang ay malaking bagay na, ang manalo pa kaya?
Kaya ang karangalan ni Stefanie, na New York-based na, ay parang karangalan na rin ng lahat ng mga Pinoy sa buong mundo.
Kasama sa tagumpay nina Stefanie, Stephen, at Gigi ang mga nominado ring may dugong Pinoy na sina Matthew Libatique, ang cinematographer sa dark drama na Black Swan, at Hailee Steinfeld, ang 14-year-old na napansin sa best supporting actress category para sa True Grit.
Narito ang iba pang nanalo sa Oscars:
Best Picture: The King’s Speech
Actor in a Leading Role: Colin Firth, The King’s Speech
Actress in a Leading Role: Natalie Portman, Black Swan
Actor in a Supporting Role: Christian Bale, The Fighter
Actress in a Supporting Role: Melissa Leo, The Fighter
Director: Tom Hooper, The King’s Speech
Original Screenplay: David Seidler, The King’s Speech
Adapted Screenplay: Aaron Sorkin, The Social Network
Animated Feature Film: Toy Story 3
Foreign-Language Film: In a Better World (Denmark)
Documentary Feature: Inside Job
Art Direction: Alice in Wonderland
Cinematography: Inception
Film Editing: The Social Network
Costume Design: Alice in Wonderland
Original Song: We Belong Together (Toy Story 3), music and lyrics by Randy Newman
Original Score: Trent Reznor and Atticus Ross, The Social Network
Animated Short: The Lost Thing
Documentary Short:
Strangers No More
Live Action Short: God of Love
Makeup: The Wolfman
- Latest