Carmina tanggap na tsugi na ang show nila ni Zoren
Hanggang March 4 na lang pala ang Love ni Mister, Love ni Misis, ang morning show nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel at pinaabangan na ng aktres ang last week ng kanilang show sa GMA-7.
Sabi ni Carmina sa tweet nito, “Maraming salamat po sa inyong suporta. Zoren and I will truly miss our morning show. Well, that’s life, may katapusan ang lahat.”
Kapag nagtapos ang show nina Zoren at Carmina, wala ng show ang aktres dahil wala na rin ang Day Off sa Q Channel 11, but for sure, hindi siya pababayaan ng Channel 7 at bibigyan ng bagong show. Dapat magkasama sila ni Zoren sa Nita Negrita pero hindi natanggap ni Carmina dahil sa schedule.
May kapalit na raw ang LNMLNM pero wala pa lang detalye.
* * *
Sa presscon ng My Lover, My Wife, pinansin ng press ang pagiging vocal ni Maxene Magalona sa relasyon nito kay Neil Arce. Kabaligtaran sa naging relasyon niya kina JC Tiuseco at Dominic Roco na hanggang nakipag-break siya sa mga ito, hindi niya talaga inamin, to think na seven months tumagal ang relasyon nila ni Dominic.
Ang sagot ni Maxene, she’s inspired and happy sa lovelife niya ngayon at feel niyang mahal na mahal siya nito. Pinaghanda raw siya ng bonggang birthday party at iba pang rason kung bakit vocal siyang BF niya si Neil.
Kahit in a relationship, ginawa pa rin ni Maxene ang kissing scenes niya sa My Lover, My Wife na eere na this Monday.
* * *
Pinakumpirma namin kay Ms. Ruby Coyuito ng Flawless kung totoong after Iza Calzado ay si AiAi delas Alas ang bagong endorser ng Flawless at next na ilu-launch. “Secret” lang ang sagot ni Ms. Ruby pati ang staff nito na aming tinanong at ang publicist nilang si Shirley Pizarro.
Nang banggitin naming kalat na sa Twitter ang pagiging endorser ng Flawless ni AiAi, um-smile na lang si Ms. Ruby.
* * *
Hindi na lang sa Iyo segment nila sa Bubble Gang napapanood ang Moymoy Palaboy na sina James at Rudolf Obeso dahil kasama na rin sila sa gags at nag-i-enjoy ang magkapatid. Pini-pressure raw sila ng mga kasama nila, lalo na ni Michael V na galingan ang acting nila.
Kabilang sa most popular videos ng Moymoy Palaboy ang Wanna Be ng Spice Girls at Marimar ni Thalia. Ito rin ang nagpasikat sa kanila sa Mexico at in-spoof pa sila sa TV show na Venga La Alegria and thru’ an interpreter, nalaman nilang gusto silang imbitahin para mag-guest sa nasabing show.
Hiwalay na ng bahay ang magkapatid dahil nag-asawa na si James o Moymoy at may five-month old baby named Janiqua Danaiah sa wife niyang si Dianne. May GF naman si Rodfil, si Farrah Lopez.
- Latest