'FAN' ni Sarah nakakatakot kausap!
MANILA, Philippines - Dapat sigurong mag-ingat ang mga artistang tinatawagan ng fan na nagngangalang Anna Dasig. Aba nakaka-afraid. You never know baka naka-speakerphone na sila sa kabilang linya.
Sa nabasa kong revelations ni Sarah Geronimo sa YES mag, parang lumabas na si Anna ang may pakana ng lahat kung bakit nagsalita ang mag-ina tungkol sa mga bagay na dapat ay usapang pampamilya lang dahil siya (Anna Dasig) mismo ang lumapit sa nasabing magazine. Siya rin kasi ang may alam ng mga pangyayari kay Sarah, kay Rayver at kay Cristine Reyes dahil nga sa paggamit ng speaker phone na ‘yan.
Alam kaya niyang masama ang ginawa niyang ‘yun na parang proud pa siyang magkuwento sa interview niya sa YES?
Parang lumabas sa nasabing 39 pages na kuwento ng magazine na iningat-ingatan ng kanyang inang si Mommy Divine sa maraming tao as in hindi niya ito pinayagang maging close maging sa mga bossing ng Viva Films (ayon sa interview mismo ng mommy ni Sarah) pero ipinagkatiwala pala niya sa isang fan na personal assistant din pala nina Sharon Cuneta and Judy Ann Santos.
Siya ang may gawa kung bakit nagkaroon ng bukingan sa pagitan nina Sarah at Rayver at sa part din ni Cristine. Kaya sa bawat interview ni Cristine ngayon, sinasabi niyang ‘kung wala sanang nakialam.’
Isiniwalat na ni Sarah ang lahat-lahat sa nasabing interview. Nakakagulat pala ang mga nangyari. Parang kuwento ng sinaunang panahon. Parang hindi 2011. Hehehe. Talagang binantayan si Sarah ng kanyang magulang at umabot sila sa puntong nagdarasal na nakadapa hanggang madaling araw para hilingin sa Diyos na pigiling ma-in love si Sarah kay Rayver na sa tingin nila ay hindi karapat-dapat sa kanilang anak dahil nagbago nga ang kanilang anak simula nang maging sila ni Rayver.
Pero wait, naisip kaya ng fan turned personal assistant na may career ang sinasabi niyang ‘anak?’ Paano kaya ang magiging promo ng pelikula nila ni Gerald Anderson kung siyempre ang laging kakalkalin ay tungkol kay Rayver Cruz?
Ayon sa isang source, hindi raw alam ng mga namamahala ng career ni Sarah ang nasabing interview dahil ang nasabing fan diumano ang may alam ng lahat. Inilihim daw.
Oh my.
* * *
Buhay pa ang aktor na si Paquito Diaz na napaulat sa PSN na namatay noong isang araw.
Ang aming pong paghingi ng paumanhin.
- Latest