^

PSN Showbiz

Part 2 ng love story nina Sarah at Rayver pipigilan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ang sabi ng isang source, blangko ang mga mata ni Sarah Geronimo nang magkuwento ito tungkol sa nakaraan nila ni Rayver Cruz pero ibang Sarah ang napanood sa TV noong Biyernes.

Masaya na si Sarah at may ningning ang kanyang mga mata, isang proof na naka-recover na siya sa matinding kalungkutan na idinulot ng pagmamahal niya kay Rayver.

May mga nagsasabi na puwedeng magkaroon ng part 2 ang love story nina Sarah at Rayver pero pumalag ang mga fans ng dalaga. Tutulong sila sa mga magulang ni Sarah sa pagbabantay sa kanilang idol. Hindi sila papayag na magkaroon ng ikalawang yugto ang nabulilyasong relasyon nina Sarah at Rayver.

Maligaya na si Rayver sa piling ni Cristine Reyes at mukhang nakakundisyon ang utak ni Sarah na nasa tama pa rin ang kanyang mga magulang kaya impossible dream na magkaroon ng part 2 ang love story nila ni Rayver.

*    *    *

Madasalin pala na babae si Mommy Divine. Idinaan niya sa pagdarasal habang nakadipa at lumuluha ang naging problema noon ni Sarah sa pag-ibig.

May prayer room sa kanilang bahay sa Quezon City ang Geronimo family. Napadalas sa prayer room si Divine at ang kanyang mister na si Delfin nang malaman nila na in love kay Rayver ang kanilang anak.

Hindi nasayang ang mga prayers ng mag-asawa dahil natauhan ang kanilang anak dahil na-realize nito na tama ang payo ng kanyang mga magulang.

Matigas ang desisyon ni Divine na kung sino ang unang maging boyfriend ni Sarah, ’yon ang magiging asawa ng kanyang anak dahil ito ang tama.

Halos kasing edad ni Divine si Sarah nang ipakasal siya kay Delfin ng kanyang mga magulang. Ayaw na ayaw ni Divine na mag-asawa dahil ang maging madre ang pangarap niya noon. Hindi man siya naging madre, walang pinagsisisihan si Divine dahil mabuting asawa at responsible father si Delfin.

*    *    *

Matagal nang friends sina AiAi delas Alas at John Estrada kaya invited ang Comedy Concert Queen sa beach wedding kahapon nina John at Priscilla Meirelles sa La Union.

Maagang umalis ng bahay si AiAi kahapon dahil may kala­yuan ang venue ng beach wedding.

Pangalawang pagpapakasal na ni John ang nangyari kahapon dahil ikinasal na siya noon kay Janice de Belen sa isang simbahan sa Las Piñas.

First husband naman ni Priscilla si John. Una kong nakita si Priscilla sa Wynn Hotel sa Las Vegas noong 2006. Karay-karay siya noon ng kanyang ex-boyfriend na si Marc Nelson dahil sila ang magkasama nang panoorin nila ang laban nina Manny Pacquiao at Erik Morales.

Takaw-pansin si Priscilla dahil sa kanyang magandang mukha at mataas na height. Ipinagtanong ko pa nga kung sino siya dahil hindi ko alam na beauty queen si Priscilla.

*    *    *

Na-meet ko rin noon sa Wynn Hotel si Katrina Ojeda na kasama naman ni Martin Nievera.

Doon ko nakita na tanggap si Martin ng pamilya ni Katrina dahil kasama nito ang mga magulang nang magkita-kita kami sa restaurant ng Wynn Hotel.

May tsismis noon na buntis si Katrina pero hindi pa halata ang kanyang tiyan. Hindi ko tinanong si Martin tungkol sa kalagayan ng kanyang girlfriend dahil baka mag-isip siya na tsismosa ako. Totoo pala ang news na preggy si Katrina dahil hindi naman nila inilhim ni Martin ang pagsisilang sa kanilang panganay.

*    *    *

Walang nangyari sa reklamo ng aktres na madalas na pinagbubuhatan ng kamay ng kanyang live-in partner.

Ang hinala ng mga reporters, nakipagbalikan ang aktres sa kanyang umbagerong boyfriend dahil biktima na rin siya ng battered wife syndrome.

Battered wife syndrome ang tawag sa psychological condition ng mga babae na nasanay na sa pisikal na pananakit ng kanilang mga karelasyon. Inirereklamo nila ang kanilang mga kalagayan pero wala silang power na makipaghiwalay sa mga umbagerong dyowa.

vuukle comment

DAHIL

DELFIN

KANYANG

PRISCILLA

RAYVER

SARAH

WYNN HOTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with