AFP noon at ngayon ipagkukumpara
MANILA, Philippines - Tuluyan na ngang nasira ang reputasyon ng ating sandatahang lakas dahil sa mga kontrobersyang bumabalot dito. Maaari pa bang makamtan ang reporma sa militar?
Matatandaan natin na malaki ang parte ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa tagumpay ng EDSA. Layunin nilang ituwid ang mali at ilunsad ang pangmalawakang reporma sa Armed Forces of the Philippines kaya sila tumiwalag sa rehimen ni former Pres. Ferdinand Marcos.
Pagkatapos ng 25 taon ay nalugmok ang AFP sa kurapsyon na pinangungunahan pa ng mga opisyal nito. Ang pabaon system, overpriced biddings at padrino system ang ilan lamang sa mga naulat na kontrobersiya dito.
Tatalakayin ni Ted Failon ang naging papel ng RAM o Reform the Armed Forces Movement sa People Power Revolution at ang pakikipaglaban ng mga grupong Y-O-U (Young Officers Union) at Magdalo laban sa maling gawi sa military.
Ngayong anibersaryo ng People Power sa EDSA, reporma sa militar, nakamtan na nga ba o mas lumala pa ang kurakutan?
Alamin sa Failon Ngayon, ngayong Sabado (Feb. 26), 5:30 p.m., pagkatapos ng Kapamilya Cinema Blockbusters sa ABS-CBN.
- Latest