Jay-R hirap kay Krista!
Marami sa nakakita kay Jay-R sa grand presscon ng Magic Palayok ang nag-akala na kaya siya naroroon ay dahil siya ang kakanta ng theme song ng bagong seryeng pambata ng GMA 7. Hindi pala, kasama pala siya sa cast ng nasabing series bilang isang aktor, ginagampanan niya ang role ng isang kapitbahay at secret admirer ng character ni Carla Abellana.
Panlimang serye na ito ng R&B Prince.
Marami ang nagtataka kung bakit pinatubo niyang muli ang buhok niya. Marami ang nagsasabi na mas sexy siya kapag wala siyang buhok.
“Sinabi lang ni Krista (Kleiner, his girlfriend) na ayaw niya na kalbo ako. Nag-try lang naman akong magpakalbo para maiba ang looks ko. Suwerte naman na nang mag-start akong magka-buhok, dumami ang trabaho ko,” sabi niya.
Gaano na kaseryoso ang relasyon niya sa kanyang girlfriend?
“Very serious, we’re trying to build up a relationship na puwedeng mag-end up sa marriage pero hindi pa ngayon. Pauunahin ko na muna si Kyla, kakanta na muna ako sa kasal niya. Gusto namin ni Krista na ma-enjoy pa ang company ng isa’t isa. Marami pa kaming gustong gawin. Like bago mawala sa uso ang CD at maging digital na, I’d like to come up with an album for Krista. Gusto ko parang tipo ng Black Eyed Peas ang music, danceable,” sabi ng actor-singer.
Paano kung maagaw sa kanya ng iba ang girlfriend niya?
“Wala akong magagawa, maybe we’re not meant for each other. Alam n’yo ba, ang hirap magkaroon ng girlfriend na isang beauty queen? Kahit hindi ka seloso, matututo kang magselos kasi iba ang tingin sa kanya ng mga boys. Pero I’m slowly learning to accept the fact. Instead, proud ako to have a beautiful girlfriend.”
o0o
Napaka-suwerte naman ni Cong. Ronald Singson sa pagkakaroon ng isang karelasyon na tulad ni Lovi Poe. Sa kabila ng kaabalahan niya ay nagawa pa nitong sumaglit sa Hong Kong para personal na masaksihan ang pagbasa ng hatol sa kanyang boyfriend sa kaso nitong may kinalaman sa droga.
Kahit agad itong bumalik ng Pilipinas, nakasiya na marahil sa kanyang karelasyon ang pangyayaring hindi siya pinayagang mapag-isa ni Lovi at sinamahan nito ang kanyang pamilya sa isang napakalungkot na bahagi ng kanyang buhay.
Ngayon ang aabangan ng marami ay kung magagawang hintayin ng aktres ang paglabas ng kanyang nobyo matapos ang isang taon at kalahati.
- Latest