National Anthem take 2 sa anniversary ng EDSA
SEEN : Walong buwan pa lang sa panunungkulan si President Noynoy Aquino pero nag-mature agad ang kanyang mukha dahil sa rami ng problema ng bansa.
SCENE : Take two ang pag-awit ng Philippine National Anthem sa flag-raising ceremony kahapon sa 25th anniversary celebration ng EDSA People Power dahil nalimutan ng event organizer na itaas ang watawat.
SEEN : Pumalpak ang bumigkas sa panunumpa sa watawat sa flag-raising ceremony dahil imbes na sinasagisag, “sinisigisag” ang kanyang sinabi.
SCENE : Sina P-Noy at ang kanyang mga kapatid sa unveiling ng monumento ni Jaime Cardinal Sin sa Maynila.
Kasama ni P-Noy ang mga pamangkin na sina Joshua at Baby James.
SEEN : Ang Star Cinema ang distributor ng Tum: My Pledge of Love, ang pelikula nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez.
Ang Liwanag ng Kapayapaan Foundation ni Robin ang producer ng pelikula.
SCENE : Ngayong hapon ang beach wedding nina John Estrada at Priscilla Meirelles sa Poro Point, La Union.
SEEN : Handa si Nonito Donaire, Jr. na makipagkasundo sa kanyang mga magulang na nakasamaan niya ng loob at pinagsalitaan ng masasakit.
SCENE : Ang Hollywood-based Filipino fashion designer na si Oliver Tolentino ang magdadamit sa mga Pilipino na nominado sa Oscar Awards na gaganapin bukas sa Kodak Theater.
- Latest