^

PSN Showbiz

Malamang na matsugi aktres TH sa pananapaw sa bidang aktor

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Baka hindi magtagal sa isang TV show ang aktres dahil nega ang feedback sa kanyang perform­ance.

May image na trying hard ang hitad at true ito dahil ang mga televiewers ang nakapansin na trying hard siya sa mga ginagawa niya sa show.

May “K” ang aktres na mag-inarte kung siya ang bida. Ang kaso, one of those lamang siya. Matalas ang pakiramdam ng lead actor ng show.

Imposible na hindi niya napapansin na sinasapawan siya ng aktres. One of these days, huwag tayong magulat kapag natsugi sa show ang aktres at kung mangyayari ito, isa lang ang ibig sabihin, pinakinggan ng lead actor ang mga komento at opinyon ng mga manonood.

* * *

Agree ako sa sinabi ni Alfie Lorenzo na walang nagbago sa ating bansa mula nang mangyari noong 1986 ang EDSA Revolution.

Mas marami ngayon ang mahirap at ang mga walang disiplina dahil masyadong inabuso ng mga Pilipino ang demokrasya.

Fresh pa sa memory ko ang mga nangyari noong February 1986. Nasa Broadcast City ako noon para sa Scoop dahil may balita nga na magkakagulo kaya nagkaroon kami ng advance taping. Ang Scoop ang showbiz talk show namin noon ni Boy De Guia.

Nasa kabilang studio naman ng Broadcast City ang grupo nina Christopher de Leon at Jay Ilagan dahil may taping sila ng Goin’ Bananas.

Dinarayo noon ng fans ang Broadcast City dahil nandito ang mga studio ng IBC 13, RPN 9, at BBC.

Nagbago ang atmosphere sa Broadcast City nang ma-sequester ito. Nawala ang mga nagtitilian na fans at lumipat sa ibang network ang mga artista.

Perfect training ground ang Broadcast City dahil dito nanggaling ang mga mahuhusay na executives ngayon ng ABS-CBN at GMA 7. I should know dahil kilala ko silang lahat.

* * *

Lumabas ako ng bahay kahapon pero hindi ako pumunta sa EDSA. Nakipag-meeting ako kay Jeremy Marquez na mukhang interesado na maging active uli sa showbiz.

Nag-lie low si Jeremy nang maging barangay captain siya sa kanilang lugar sa Parañaque City at mula noon, nagtuluy-tuloy na ang paglilingkod niya sa kanyang mga kababayan.

* * *

Nagpapasalamat si Ernie Garcia sa GMA 7 dahil isinali siya sa cast ng My Lover, My Wife.

Si Ernie ang gaganap bilang tatay ni Maxene Magalona sa afternoon drama series ng Kapuso network na magsisimula sa Lunes.

Matagal din na hindi naging active si Ernie sa showbiz pero hindi siya nawalan ng mga singing engagements.

Hindi na masyadong pamilyar kay Ernie ang mga bagets ngayon na wala ring alam tungkol sa People Power.

Si Ernie ang No. 1 male sexy star noong dekada 80 as in nakapareha niya ang lahat ng mga sikat na sexy actress noon. Siya ang in demand sa mga sexy films na usung-uso noon.

Fifty-plus na ang edad ni Ernie na siguradong natutuwa sa mga papuri ng mga veteran writers na hindi nagbabago ang kanyang hitsura dahil parang hindi siya nagkakaedad.

* * *

Hindi na pala nainterbyu si Lovi Poe ng mga Pinoy reporters na pumunta sa hearing ng kaso ni Congressman Ronald Singson.

Nakunan si Lovi ng ilang TV crew pero hindi siya nakausap dahil nagmamadaling umalis ang aktres. Hinahabol pa ni Lovi ang flight nito pabalik sa Pilipinas.

Hindi na nangulit ang mga miyembro ng media dahil nauunawaan nila ang sitwasyon ni Lovi at ng pamilya ni Rep. Ronald na handa sa magiging desisyon ng korte pero nabig­la pa rin nang marinig nila ang verdict.

ALFIE LORENZO

BROADCAST CITY

DAHIL

ERNIE

LOVI

SI ERNIE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with