Kris magdo-donate ng bahay kada-buwan
Puwede nang simulan ang shooting ng remake ng Temptation Island ng Regal Entertainment, Inc. dahil kumpleto na ang casting. Sina Marian Rivera, Lovi Poe, Solenn Heussaff, at Heart Evangelista ang mga bida at Rufa Mae Quinto sa role ng yaya na sa movie ay ginampanan ni Deborah Sun. Na-consider din sa role si Pokwang at natuloy din si Heart dahil pinagpalit ang role nila ni Lovi Poe.
* * *
Busy ang Friday ni Kris Aquino dahil sa 25th anniversary ng EDSA People Power. Kasama sa schedule ng TV host-actress ang launching ng Freedom scent for Bench na sila ni Dingdong Dantes ang endorsers at sa gabi, magho-host si Kris sa Tatak EDSA concert sa People Power Monument, kung saan, all-star cast ang mga performers.
Samantala, ibinalita ni Kris na siya ang bagong Habitat Nation Builder ambassador. Sabi nito sa Twitter, “Pledged to donate 1 house per month. My commitment to give back to our country.”
* * *
Walang tulog noong Wednesday si Dingdong Dantes dahil after ng taping ng I Heart You Pare, diretso na siya sa Skydome ng North EDSA para sa EDSA Youth Day na isa sa maraming celebration ng EDSA People Power Revolution. After the whole day affair, diretso pa rin siya sa taping ng series nila ni Regine Velasquez.
Honored si Dingdong at ang pinamumunuang Yes Pinoy Foundation dahil sa kanila in cooperation with People Power Commission ibinigay ang tungkuling i-celebrate ang EDSA Youth Day sa temang EDSA Baby Ako. Walang kapaguran ang aktor lalo’t suportado siya ng nobyang si Marian Rivera.
Hanggang sa Sunday pa busy si Dingdong dahil launching ng Yes Pinoy Foundation sa NBC Tent at special guest si P-Noy. Kahit involved sa mga ganitong activities, wala pa ring balak mag-politics ang aktor dahil napatunayang puwede pa ring tumulong kahit wala sa pulitika.
* * *
Special participation lang si Marco Alcaraz sa My Lover, My Wife pero maganda ang kanyang role bilang si Arthur at tatatak sa mga viewers. Suwerte rin ang role ng aktor dahil parehong may kissing scene siya kina Nadine Samonte at Maxene Magalona pero iningatan niya ang dalawa, lalo na si Maxene dahil friend niya ang BF nitong si Neil Arce.
Lilipat si Marco sa Sisid na malapit na rin ang taping at sa Monday na ang storycon. Malaking tulong sa kanya ang pagkakaroon ng sunud-sunod na shows dahil naghahanda sila ni Lara Quigaman ng kasal nila next year.
Simpleng “tinamaan ako,” ang sagot ni Marco kung bakit si Lara ang napiling pakasalan sa ibang bansa.
- Latest