^

PSN Showbiz

KC tuloy ang panghihingi ng pagkain!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Masayang-masaya si KC Concepcion sa matagumpay na grand finals ng Star Circle Quest For the Next Kiddie Superstars noong Sabado.

Ngayon ay busy na si KC para sa mga bago niyang projects. Excited na ngayon ang dalaga para sa kanyang nalalapit na Star Magic U.S. Concert Tour sa darating na April. “This is going to be three different places diyan sa America. I’m really excited about that kasi first time akong makasama ng Star Magic talaga. So sa lahat ng TFC (The Filipino Channel) subscribers kapamilya natin sana ay magkita-kita tayo,” pahayag ni KC.

Pagkatapos naman ng U.S. concert tour ni KC ay sisimulan na niya ang shooting ng kauna-unahang pelikulang pagsasamahan nila ni Sam Milby. “It’s a beautiful story. It’s going to be fun and makikita ng tao na iba naman. Mas totoo, mas simple at mas kapani-paniwala. Puwedeng mangyari sa kahit na sino,” kuwento ng dalaga. Mayroon ding participation si KC sa pinakabagong compilation album ni Kris Aquino. “It was really exciting na narinig ko na invited ako to be one of her guests kasi siyempre maganda ‘yung kanta. Napag-usapan namin kantang ito sa interview, live sa The Buzz. Nagkataon na alam ko ‘yung kanta na tinutukoy niya kaya siguro naisip niya to invite me to sing sa album niya,” dagdag pa ni KC.

Aktibo rin ang aktres bilang ambassador against hunger ng World Food Programme. Gumawa raw sila ng website ngayon para mapadali ang proseso ng donation o pagtulong para sa mga kabataan sa Mindanao. “Website ito ng World Food Programme. It’s going to be place na puwedeng mag-invite ng friends, wefeedback.org, gumawa kayo ng account and doon n’yo mare-record yung kinain n’yo, fave food n’yo. Sa nagda-diet, puwede n’yong gawing donation ‘yung kinain n’yo. For example frappuccino, ipapakita sa inyo kung magkano at ilang bata ang puwedeng pakainin sa isang frap na ininom mo and puwede n’yong i-donate frap n’yo in money form, so check it out,” pagde-detalye ni KC.

Angel Aquino, ipinagpalit sa Ms. Earth ng BF

Matagal ding magkarelasyon sina Angel Aquino at Lui Villaruz pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang magandang samahan noon. Ano nga ba ang tunay na nangyari at nagkahiwalay ang da­lawa? “He (Lui) was a great boyfriend, he was faithful. Siya talaga he wants to settle down, he wanted to get married. I know that we both weren’t ready financially, emotionally and psychologically. It’s really my children that I’m protecting naman, kaya naman I didn’t want to get married again,” seryosong pahayag ni Angel.

Ngayon daw ay may bago ng karelasyon si Lui. “Sabi niya, bago mo marinig sa iba, I’m dating Miss Earth. I’m happy for him, I’m very very happy for him,” dagdag pa ng TV host. - Reports from JAMES C. CANTOS

ANGEL AQUINO

CONCERT TOUR

FILIPINO CHANNEL

KRIS AQUINO

LUI

LUI VILLARUZ

STAR MAGIC

WORLD FOOD PROGRAMME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with